Home News Locale News Pinay OFW na lakas loob daw binatikos ang AIM Global

Pinay OFW na lakas loob daw binatikos ang AIM Global

1
0
SHARE

Galit na galit at nagngingitngit ang OFW na si Jocelyn Solitana, sa kompanyang AIM Global na inaakusahang niyang mga scammer at manloloko. Bungad pa lang ng viral video ay gigil na gigil na si Jocelyn at nagawa pa niyang ipakita ang limpak limpak niyang salapi na di raw niya ipagpapalit sa pagsali sa AIM Global.

Di raw alam ng mga kapwa OFW ni Jocelyn na nauuto lamang sila ng kompanyang ito na habang sila ang nagpapakahirap mag-recruit ay ang “founder” lang daw ang kumikita ng malaki.

Isa sa pinaghuhugutan ng galit ni Jocelyn sa kumpanya ay ang pagsasawalang bahala nito sa isa nilang miyembro na humingi ng tulong pinansyal. Balita raw kasi ni Jocelyn na masipag daw ang miyembrong ito na ginagamit pa mismo ang kabuuan ng kanyang sahod para lamang mapatakbo ng maayos ang kanyang negosyo. Awang-awa raw si Jocelyn dahil sa di manlang masuklian ang paghihirap ng miyembro ng mismong kompanya nito.

Pinangalanan din niya ang isang Froilan Anthony Francisco na miyembro ng grupo na sinabihan siyang mamamatay na dukha. Sa galit ni Jocelyn, nasabihan niya ito ng scammer na recruiter. Nabanggit din niya ang isa pang miyembro na si Tanya Morales na nagawa pa raw siyang i-tag sa video nito na nagtatalon pa raw na tila ba ay pinamumukha pa sa kanya na naka-recruit raw ng miyembro sa Middle East. May ebidensya raw si Jocelyn na kinukumbinsi ni Tanya ang kanyang recruit na mag-advance at mangutang sa amo para lamang maipansali sa AIM global.

Comments

comments

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here