Home News Locale News Pinasok ng armadong grupo ang hotel sa Pasay, P1.5 milyon nakulimbat

Pinasok ng armadong grupo ang hotel sa Pasay, P1.5 milyon nakulimbat

2
0
SHARE

Nalimas ng armadong grupo ang nasa P1.5 milyon na halaga ng mga kagamitan at cash mula sa mga guest ng isang hotel sa Pasay, Martes.

Hindi napigilan ng nag-iisang guwardyang naka-duty ang pagpasok ng 4 na kawatan sa Mabuhay Manor sa FB Harrison, ayon sa night auditor ng hotel na si Rudy De Guzman.

Sa kuha ng CCTV, makikitang hawak ng mga kawatan ang matataas na kalibre ng baril. Tatlo sa kanila ay nakasuot ng surgical mask.

Kita rin sa isang pang CCTV footage na kinaladkad ng isang suspek si De Guzman upang ituro ang vault ng hotel at hinampas pa sa pader ang kaniyang ulo.

Dinala ng kawatan ang hotel auditor sa counter at pinadapa. Dito na naitapon ni De Guzman sa ilalim ng mesa ang combination key ng vault.

Gayunman, nakuha ng mga suspek mula sa front desk ang P53,000 na petty cash.

Natangay naman mula sa guest na si Dominador Castro ang mga alahas at relos na nagkakahalaga ng P1.5 milyon.

Nakuha rin ang nasa P50,000 na halaga ng pera at kagamitan mula sa isa pang guest na si Josie Castro Tadoy.

Source: DZMM Teleradyo

Comments

comments

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here