Home News Locale News Pilipinas at Kuwait, nagkasundo sa ilang bagay patungkol sa pagtrato sa mga...

Pilipinas at Kuwait, nagkasundo sa ilang bagay patungkol sa pagtrato sa mga OFW

4
0
SHARE

Kinumpirma ng Malacañang ang pakikipagpulong ni Foreign Affairs Secretary Alan Peter Cayetano sa Kuwaiti Ambassador to the Philippines kaninang umaga.

Sa isang statement, sinabi ni Presidential Spokesperson Secretary Harry Roque na humingi ng pang-unawa ang Pilipinas sa Kuwaiti government hinggil sa naging aksyon ng bansa sa pag-rescue sa mga distressed OFW sa Kuwait.

Nabigyang-diin rin aniya sa naturang pagpupulong na nirerespeto ng Pilipinas ang soberenya at internal process ng estado ng Kuwait at ang dignidad ng mga Kuwaiti

Dagdag pa ng Palasyo, apat na punto ang napagkasunduan ng Pilipinas at Kuwait matapos ang pagpupulong.

Kabilang na dito ang pagsisiguro ng agarang aksyon ng mga Kuwaiti officials sa mga nakabinbing request for assistance mula sa mga distressed OFWs, pagpapabilis ng repatriation o pagpapabalik sa Pilipinas ng higit anim na daang Pinoy na nananatili ngayon sa Philippine Embassy sa Kuwait, pagtitiyak na maibibigay ang hustisya sa mga nakahain at ihahain pang kaso ng mga Pinoy na biktima ng pang-aabuso, at ang pagsisiguro ng makataong pagtrato sa mga mangaggawang pinoy doon.

Nananatili aniyang positibo ang pamahalaan na mareresolba sa lalong madaling panahon ang iba pang isyu sa pagitan ng Pilipinas at Kuwait. | via Nimfa MAE Asuncion

Comments

comments

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here