Home News Locale News Pasyente na sumailalim sa dialysis, nagreklamo vs. PhilHealth

Pasyente na sumailalim sa dialysis, nagreklamo vs. PhilHealth

0
0
SHARE

Isang ginang na may sakit sa bato ang humingi ng tulong sa “Tapat Na Po” matapos singilin ng isang clinic dahil naubos na raw ang libreng dialysis procedure na dapat bayad ng PhilHealth.

Reklamo vs PhilHealth

#TVPatrol Pasyente na sumailalim sa dialysis, nagreklamo vs. PhilHealth

Posted by TV Patrol on Saturday, March 24, 2018

Kuwento ni Racquel Ramos, hikahos siya sa buhay kaya malaking tulong ang libreng pa-dialysis ng gobyerno.

“Wala po kaming hanapbuhay mag-asawa. Ang naipon po namin, naubos na sa pagpapagamot ko,” ayon sa ginang.

Marso hanggang Hunyo 2017 ay na-confine si Ramos sa Philippine General Hospital (PGH) at sumailalim sa dialysis na sinagot naman ng PhilHealth.

Pagkalabas ng PGH, sa pribadong dialysis center na siya pumunta, kung saan nagsimula ang kaniyang kalbaryo.

Batay umano sa ulat ng clinic, naubos na niya ang 90 dialysis sessions na libre para sa mga pasyente. Agad naman niyang in-email ang PhilHealth ukol dito.

“Ang payment [for the clinic], hindi nare-receive… Hindi nila nakukuha ang payment nila. Kami ho ang sinisingil ngayon,” hinaing ni Ramos.

Ayon sa PhilHealth, kasalukuyan na nilang iniimbestigahan ang reklamo ni Ramos.

“Pinapa-check natin ngayon at pinapatutukan natin kung ano talaga because technically kung talagang puwede pa makakuha ng benepisyo ang miyembro, dapat maibigay natin ‘yan,” ani Dr. Ish Pargas, tagapagsalita ng PhilHealth.

Nangako ang ahensiya na ilalabas ang resulta ng imbestigasyon sa loob ng isang linggo matapos ang pulong nila ng policy at operations offices sa Marso 26.

Aabangan ng Tapat Na Po ang aksiyon ng PhilHealth sa reklamo ni Ramos.

Sa mga konsyumer na nais magpadala ng reklamo, mag-post lamang sa Facebook page ng Tapat Na Po.

Source: TV Patrol

Comments

comments

SHARE
Previous articleIWAS HEAT STROKE

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here