Home News Locale News Pari na nagpuslit ng sigarilyo sa kulungan, huli

Pari na nagpuslit ng sigarilyo sa kulungan, huli

0
0
SHARE

By: ABS-CBN News

Limangpung pakete ng mga sigarilyo at dahon ng tabako ang natagpuan sa loob ng isang balde ng biskwit na dala ng isang pari sa Bohol District Jail sa Tagbilaran City nitong Linggo.
Ayon kay Jail Warden, Chief Inspector Felipe Montejo, naimbistigahan na si Fr. James Darunday, ang resident chaplain ng naturang kulungan.

Ani Darunday, misis ng inmate ang nakisuyo sa kanya na dalhin ang balde ng biskwit para sa kanyang asawa na nakakulong dahil sa iligal na droga.

Pero agad na nakumpiska ito sa pagpasok pa lamang ng pari sa pasilidad kung saan nakitang may 50 pakete ng sigarilyo at dahon ng tabako ang nakatago sa ilalim nito.

Wala umanong kasong isasampa sa pari, pero posibleng di na ito payagan pang makapasok sa pasilidad para mag-misa.
Wala pang pahayag sa ngayon ang Diocese ng Tagbilaran hinggil sa insidente.

Watch also Pope Francis Dance tango in his birthday party with the girl

Comments

comments

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here