Home News Locale News PANOORIN: Pinaniniwalaang mandurukot sa bus nakorner

PANOORIN: Pinaniniwalaang mandurukot sa bus nakorner

0
0
SHARE

MANILA, Philippines – Bugbog sarado ang isang pinaniniwalaang mandurukot matapos mahuli ng mga pasahero sa isang bus sa EDSA.

Sa video na ipinost ng isang Jo Belle, kita kung paano nakorner ng iba pang pasahero ng umano’y mandurukot.

Ilang beses ding sinaktan ang suspek bago ito hinila pababa ng bus.

MANDURUKOT SA BUS SA EDSA

PANOORIN: Bugbog sarado ang di umano’y mandurukot matapos na mahuli ng mga pasahero ng isang bus sa Edsa. | Courtesy of Jo BellePara sa iba pang balita, bisitahin lamang ang aming website //www.philstar.com/ngayon

Posted by Pilipino Star Ngayon on Sunday, January 28, 2018

Samantala, isa ring video ang na-post sa social media kung saan todo tanggi naman ang isa pa umanong mandurukot sa loob ng bus.

Biyaheng EDSA rin ang bus nang mabisto mismo ng biktima ang ginawang pambubutas ng suspek sa kaniyang pantalon upang makuha umano ang cellphone.

Bumaba ang suspek nang sabihin na dadalhin siya sa pinakamalapit na presinto.

Kita sa post ni Jayjay Palada ang paghabol sa bumabang suspek na hanggang dulo at tumanggi sa paratang.

MANDURUKOT SA BUS

PANOORIN: Todo tanggi ang di umano'y mandurukot sa loob ng isang bus na patungong SM City North Edsa matapos mabisto ng kanyang katabi na sinisira na pala nito ang bulsa ng kanyang pantalon kung saan nakatago ang kanyang cellphone. Bigla na lamang bumaba ang nasabing mandurukot nang malaman na ihiihinto ang bus sa pinakamalapit na presinto. | Courtesy of Jayjay PaladaPara sa iba pang balita, bisitahin lamang ang aming website //www.philstar.com/ngayon

Posted by Pilipino Star Ngayon on Sunday, January 28, 2018

Source: Philstar

Comments

comments

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here