Home News Locale News Pangulong Duterte naalarma sa pagtaas ng mga bilihin sa bansa

Pangulong Duterte naalarma sa pagtaas ng mga bilihin sa bansa

44
0
SHARE
Loading...

Maging si Pangulong Rodrigo Duterte ay nabahala na rin sa pagtaas ng inflation rate sa bansa.

Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque na kasama sa agenda ng Cabinet meeting kagabi ang usapin sa inflation kaya humahanap na ng solusyon ang economic team ng Pangulo para mapigil ang patuloy na pagtaas ng mga pangunahing bilihin.

Batay sa pahayag ng Philippine Statistics Authority (PSA), pumalo na sa 5.7% ang inflation rate noong Hulyo, mataas ng limang porsiyento kumpara sa naitala noong Hunyo at lumagpas na ito sa inflation target ng National Economic Development Authority na 2-4 porsiyento ngayong taon.

Sinabi ni Roque na ikinukunsidera ng economic managers ng Pangulo ang ipinanukala ni House Speaker Gloria Macapagal-Arroyo na bawasan ang taripa ng ilang produktong pagkain para maagapan ang pagtaas pa ng inflation.

Pinag-aaralan din ang mungkahi ni Agriculture Sec. Manny Piñol na lagyan ng Suggested Retail Price (SRP) ang mga produktong isda at zero tariff sa imported fish products

“The President has previously expressed alarm also over rising inflation. The recommendation given by Speaker Arroyo was considered by the economic cluster. But we’re looking at all aspects, further alleviation measures,” ani Roque.

Sinabi pa ng kalihim na naniniwala ang Malacañang na ang pagkontrol ng rice cartel sa supply at presyo ng bigas ang isa sa mga dahilan kaya lumolobo ang inflation at pagtaas sa presyo ng mga bilihin kaya naman nagbanta ang Pangulo na na gagamitin nito ang buong puwersa ng batas laban sa cartel at sasalakayin ang warehouses ng mga ito.

Source: PNA

Comments

comments

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here