Home News Locale News Pangulong Duterte aalisin na ang bidding sa gov’t. projects

Pangulong Duterte aalisin na ang bidding sa gov’t. projects

0
0
SHARE

Aalisin na umano ni Pangulong Rodrigo Duterte ang lahat ng bidding para sa mga public work projects dahil nagdudulot lamang umano ito ng pagkaka-antala sa pagkumpleto ng proyekto at nagiging ugat pa ng kurapsyon. 

Ayon sa pangulo, lahat ng proyekto sa bansa ay tutulad na sa “Swiss challenge” kung saan ipe-presenta sa mga contractor ang binabalak na projects para makapag-alok ang mga ito ng plano.

Sa pamamagitan ng Swiss challenge, ang isang ahensya ng gobyerno ay makakatanggap ng proposal para sa proyekto mula sa private companies at makakahatak ito sa iba pang mga kumpanya para mag-alok ng mas mainam na proposals.

Apela ng pangulo, ang mga sindikato ang nagmamani-obra sa mga bidding para sa mga government projects at sinusuhulan ang mga opisyal, kaya naman sa huli, substandard o hindi natatapos ang proyekto.

Tinawag nya ang mga sindikato bilang ‘golf course syndicate’ dahil sa golf courses umano isinasagawa ang mga maanumalyang business deals sa mga tiwaling government official.

Gayunman, mayroon pa rin umanong mga tinatawag nyang “true blue contractors” na gumagawa ng proyekto ng tama at hindi kabilang sa sindikato.

Comments

comments

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here