Home News Locale News Pangho-HOLDAP sa isang KAINAN SA Quezon City, NAISAGAWA sa loob lang ng...

Pangho-HOLDAP sa isang KAINAN SA Quezon City, NAISAGAWA sa loob lang ng 45 SEGUNDO

22
0
SHARE
Loading...

Huli sa CCTV ang pagpasok ng ilang armadong lalaki na nakasakay sa motorsiklo sa isang pasara nang sizzling house sa Barangay Ramon Magsaysay, Quezon City.

Kitang-kita sa ulat ni GMA News reporter James Agustin sa Unang Balita nitong Huwebes ang tatlong motorsiklong may nakasakay na limang na lalaki.

Habang nagsilbing look-out ang pangatlong naka-motorsiklo, naghintay ang dalawang nasa ibang motor para sa kanilang dalawang angkas habang hinold-up nila ang mga kumakain sa labas ng kainan.

May isang lalaking tumadyak sa isang suspek at nagtangkang mag-areglo, habang ang dalawa sa suspek ay pumasok sa kainan mismo at kinuhanan ng cellphone ang mga empleyado at P6,000 mula sa kaha ng kainan.

“Nilapitan kami, yung mga iba nililimasan. Tumayo po ako, tinanong ko, ano ba ang problema, hold-up to. Bakit, kako, tapos ang nakuhanan sila lang, tapos yung isang kasama ko, nakuha yung bag,” sabi ni Alfredo Laurente, ang lalaking nanlaban.

Walang nagawa ang mga empleyado habang ang mga customer sa second floor ay napadapa.

“Dinakot po niya yung lahat po ng cellphone, tapos yung bag po ni ate, yung kaha po namin kinuha niya po. Nalaglag pa nga po yung kaha, bumukas po, yung mga barya,” kwento ni ‘Chris’, isa sa mga empleyado ng sizzling house.ce

Nakaalis ng maayos ang mga suspek matapos ang 45-segundong pagnanakaw.

Sabi ni Micmac Arellano, may-ari ng sizzling house, ilang customer na ang nagbabala sa kanya na maaaring pasukin ang kanyang tatlong-buwang-gulang na kainan.

“Kasi natutunugan nila na maraming tao. Siyempre, yung kita, saka hindi lang ito yung pinasok nila, pati yung customer nakuhanan nila,” sabi ni Arellano, na maglalagay daw ng security guard sa lugar lalo na sa gabi.

Kakatapos lang rumonda ang barangay sa kainan nang nangyari ang hold-up. Sinasagawa na ng Masambong police station ang isang follow-up operation para mahanap ang mga nanloob.

PANOORIN I Pangho-HOLDAP sa isang KAINAN SA Quezon City, NAISAGAWA sa loob lang ng 45 SEGUNDOWatch and share!

Posted by Erwin Tulfo on Wednesday, July 4, 2018



Source: GMA News, Erwin Tulfo

Loading…



Comments

comments

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here