Home News Locale News Pang-aabuso sa mga OFW, sinisigurong ng Pangulong Duterte na wawakasan

Pang-aabuso sa mga OFW, sinisigurong ng Pangulong Duterte na wawakasan

25
0
SHARE

Sinabi ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte noong Sabado, Abril 14, na ang pamahalaan ay nagsasagawa ng mga hakbang upang mawakasan na ang pang-aabuso sa mga overseas Filipino workers (OFWs) sa bansang Middle East.

Nakipagkita si Pangulong Duterte kay Fahima Alagasi, isang OFW na inabuso ng kanyang employer sa Saudi Arabia.

Si Alagasi, na nalapnos ang buong katawan dahil binuhusan ng kumukulong tubig ng arabong amo, apat na taon ng ang nakararaan at nakabalik na sa bansa noong biyernes lamang.

Sa kanilang pulong sa Coco’s South Bistro Restaurant, sinabi ni Pangulong Duterte na ang gobyerno ay handang gawin ang lahat upang matulungan ang mga Pilipino sa Gitnang Silangan.

Idinagdag pa ng Pangulong Duterte na hindi niya masisi ang mga OFW kung kailangan nilang umalis at magtrabaho sa ibang bansa para sa kanilang mga pamilya.

Gayunpaman, Ipinaaalala ng Pangulo sa mga manggagawa na mag-ingat dahil ang kultura at batas sa ibang bansa ay naiiba kumpara sa Pilipinas.

Sinabi rin ng Pangulo na mahalaga na mapanatili ang higit pa sa magandang pakikipag-ugnayan sa Gitnang Silangan sapagkat ito rin ay may importansya sa ating bansa.

Hinimok din niya ang mga Pilipinong Muslim na nasa mga Islamic states na tumulong sa pagprotekta sa dignidad ng kanilang mga kababayan.

Binigyang diin ni Pangulong Duterte na interest ng Pilipinas na itaguyod ang kapakanan at kagalingan ng mga manggagawang Pilipino.

Ipinahayag din ni Fahima Alagasi ang pasasalamat sa gobyerno ng Pilipinas, lalo na kay Pangulong Duterte, Labor Secretary Silvestre Bello III, ACTS OFW Partylist Rep. Aniceto Bertiz, Ambassador sa Riyadh Adnan Alonto, at mga tauhan ng Philippine Embassy at Philippine Overseas Labor Office, at iba pang mga opisyal na tumulong sa kanyang kaso.

Sinabi ni Alagasi na siya ay nagpapasalamat din kay Prince Nayef bin Abdulaziz Al Saud, na inaprubahan ang kanyang final exit mula sa Saudi Arabia matapos ang apat na taong legal battle sa kanyang employer.

Samantala, binigyan ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) ang dalawang anak ni Alagasi ng scholarship hanggang sa kolehiyo. Nagbigay din ang Department of Foreign Affairs (DFA) ng P50,000 para sa tulong pinansyal.

Source: Maharlika, PTV News

 

Comments

comments

1 COMMENT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here