Home Health Doc Willie Ong - Advise PANANAKIT NG LEEG (NECK PAIN)

PANANAKIT NG LEEG (NECK PAIN)

1
0
SHARE

By: Dr. Gary Sy

Maraming posibleng sanhi ng pananakit ng leeg na walang pinsala:

1. Pwede kang magkaroon ng banayad sprain ng litid o nabanat na muscle mula sa biglaang paggalaw ng leeg. Pwede rin itong sanhi ng pagtulog na nasa di-karaniwang posisyon ang iyong leeg.

2. Tumutugon ang ilang mga tao sa stress na emosyonal sa paninigas ng mga muscle sa kanilang leeg, mga balikat at itaas ng likod. Pwede magsanhi ang pangmatagalang spasm sa mga muscle na ito ng pananakit ng leeg at kung minsan ay pananakit ng ulo.

3. Pwedeng magsanhi ang unti-unting “pagkasira” ng mga kasu-kasuan sa gulugod ng “degenerative arthritis.” Pwedeng maging pinagmumulan ito ng pasumpong-sumpong o pangmatagalang pananakit ng leeg.

4. Sa pagtanda o paulit-ulit na maliliit na pinsala sa leeg, maaaring lumobo ang mga spinal disk (ang cushion sa pagitan ng bawat buto ng gulugod) at dumiin sa malapit na spinal nerve. Nagsasanhi ito ng pangingirot, pananakit o pamamanhid na kumakalat mula sa leeg patungo sa balikat, braso o kamay sa isang bahagi.

Spondylosis Causes and Risk Factors

Spondylosis is an aging phenomenon. With age, the bones and ligaments in the spine wear, leading to bone spurs (osteoarthritis).

Image result for Spondylosis

Also, the intervertebral discs degenerate and weaken, which can lead to disc herniation and bulging discs. Spondylosis is common. Symptoms are often first reported between the ages of 20 and 50.

Over 80% of people over the age of 40 have evidence of spondylosis on X-ray studies. The rate at which spondylosis occurs is partly related to genetic predisposition as well as injury history.

PANGANGALAGA SA BAHAY:

1. Magpahinga at i-relax ang mga muscle. Gumamit ng kumportableng unan na sumusuporta sa ulo at panatiliin ang gulugod sa nuetral na posisyon. Hindi dapat patungo o patingala ang posisyon ng ulo. Maaaring makatulong ang isang nakarolyong tuwalya para eksaktong sukat.

2. Nakakahanap ng ginhawa ang ilang mga tao sa init (mainit na shower, mainit na ligo o heating pad) at masahe, habang mas gusto naman ng iba ang mga cold pack (dinurog o naka-cube na yelo na nasa plastic bag, nakabalot ng tuwalya) . Subukan pareho at gamitin ang paraan na nararamdamang pinakamainam sa loob ng 20 minuto ilang beses sa isang araw.

KAILANGAN NG MABILIS NA ATENSYONG MEDIKAL kung mangyari ang alinman sa sumusunod:
1. Tumitindi o kumakalat ang pananakit sa isa o parehong mga bisig
2. Panghihina o pamamanhid sa isa o parehong mga bisig
3. Tumitinding pananakit ng ulo
4. Pamamaga ng leeg, nahihirapan o pananakit sa paglunok
5. Lagnat na 100.4ºF (38ºC) o mas mataas.

PAALALA:
Sa anumang klase ng sakit mahalagang malaman ang dahilan para sa tamang gamutan at paggaling.

Comments

comments

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here