Home News Locale News Palasyo ikinatuwa ang pagbabayad ng PAL ng P6-B utang sa gobyerno

Palasyo ikinatuwa ang pagbabayad ng PAL ng P6-B utang sa gobyerno

31
0
SHARE
Loading...

Iginiit ngayon ng Malacañang na ang pagbabayad ng Philippine Airlines (PAL) ng pagkakautang ay patunay na kung prayoridad ng gobyerno ang national interest, aasahan ang kooperasyon ng mamamayan.

Magugunitang nitong Biyernes, Oktubre 6 ang deadline na ibinigay ni Pangulong Rodrigo Duterte sa PAL para bayaran ang pagkakautang sa gobyerno kung hindi ay ipapasara ang terminal nito sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).

Sinabi ni Presidential Spokesman Ernesto Abella, pumayag na ang PAL na bayaran ng buo ang P6 billion na hinahabol ng CAAP at MIAA, bagay na tinanggap naman ng Department of Transportation (DOTr).

Comments

comments

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here