Home Health Doc Willie Ong - Advise PALAKASIN ANG IYONG KATAWAN (Healthy Living)

PALAKASIN ANG IYONG KATAWAN (Healthy Living)

1
0
SHARE

Ni Dr. Willie T. Ong

SABI nga ng iba, “Bawal magkasakit!” Paano ba tayo iiwas sa sakit? Magagawa ito kung mapapalakas natin ang depensa ng katawan. Ito ang ating mga white blood cells (puting selula) na pumapatay sa mga mikrobyo, bacteria, virus, at cancer cells. Dalawang klaseng white blood cells: may T cells (gawa ng Thymus gland) at B cells (gawa ng bone marrow).

Heto ang aking payo para maging healthy.

– Kumain ng maberde at mapupulang pagkain tulad ng mga gulay, carrots, kalabasa at kamatis.

– Puwedeng uminom ng isang multivitamin araw-araw. Kung tayo’y nagdidiyeta o may sakit, ugaliing uminom ng vitamins. (Kahit generic na multivitamin ay puwede na.)

– Mag-ehersisyo pero huwag sobra. Ayon sa isang pagsusuri, mas kaunti ang nagkakasipon kapag regular ang pag-e-ehersisyo.

– Mag-relax at magpahinga. Mag-aral ng iba’t ibang paraan para mag-relax. Puwede ang yoga, masahe, meditation at pagbabakasyon.

– Magkaroon ng kaibigan o kapamilya na susuporta sa iyo. Malaki ang maitutulong niyan sa pag-iwas sa sakit.

– Matulog. Kapag may sakit na, kailangan ng katawan ang pahinga. Ang mahimbing na tulog ay talagang nagpapalakas sa ating katawan. Dito inaayos ng ating katawan ang mga nasirang selula.

– May tulong ang kaunting araw (sa umaga) sa paggawa ng Vitamin D ng katawan.

– Uminom ng 8-10 basong tubig. Basta may sakit, kailangang uminom nang maraming tubig para mailabas ang toxins at init (lagnat) sa katawan.

– Magpabakuna. Mahalaga ang bakuna para maprotektahan ang ating katawan. Sinasanay ng bakuna ang paglaban ng katawan sa mga espesyal na mikrobyo. Sa mga edad 50 pataas, kailangan ng pneumonia vaccine at flu vaccine. Sa mga bata, kailangang kumpleto rin ang kanilang bakuna.

Kung may sintomas na nararamdaman, magtanong sa inyong doktor.

Good luck po.

Comments

comments

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here