Home Health Doc Willie Ong - Advise PAGTATAE (Diarrhea): Ano Ang Gagawin?

PAGTATAE (Diarrhea): Ano Ang Gagawin?

1
0
SHARE

By Dr. Willie Ong

Ang kadalasang dahilan ng pagtatae ay ang panis na pagkain o maduming tubig. Ang pagtatae ay isang paraan ng katawan para alisin ang mikrobyo na pumasok dito.

Sundin ang mga payong ito:

1. Umiwas sa gatas. Maraming tao ay may “lactose intolerance.” Ang ibig sabihin ay hindi nila kaya tunawin ang mga pagkaing may gatas. Bilang kapalit sa gatas, puwede mong subukan ang yoghurt o keso.

2. Tingnan ang iyong mga gamot. Ang mga antibiotic, gamot sa ulcer, at vitamin C ay puwedeng magdulot ng pagtatae.

3. Kumain ng “clear liquids” lamang. Ang mga sopas ng manok, gelatin at lugaw ay mabuti sa tiyan. Huwag muna kumain ng karne at mamantikang bagay na mahirap tunawin.

4. Subukan ang BRAT diet. Ang kahulugan ng BRAT ay banana, rice, apple at tea. Ito ang mga pagkaing tutulong sa pagtigas muli ng iyong dumi. Ang saging ay may potassium na kailangan ng katawan.

5. Uminom ng 10 basong tubig sa isang araw. Makakatulong ito para mapalitan ang nawalang tubig sa katawan. Umiwas muna sa soft drinks at kape.

6. Magtimpla ng Oresol (oral rehydrating solution). Ihalo ang 1 basong tubig, 2 kutsaritang asukal at one-fourth kutsaritang asin. Magpapalakas ito ng iyong katawan.

7. Tingnan ang kulay ng ihi. Kapag madilaw na ang ihi at pakonti-konti na lang ang labas, ang ibig sabihin ay kulang ka na sa tubig. Uminom agad ng tubig, sabaw o oresol. Puwede din ang Gatorade pero may kamahalan pa ito.

8. Maghugas ng kamay. Kung ika’y nagtatae, posibleng may mikrobyo kang nakahahawa sa iyong dumi. Huwag ipasa ito sa iyong kasambahay. Huwag muna maghanda ng pagkain.

Kapag ang pasyente ay (1) nilalagnat, (2) may matinding sakit ng tiyan, (3) naninilaw, o (4) may dugo sa dumi, kailangan nang dalhin sa doktor.
Kapag siya’y nanghihina at hindi na makakain o makainom ng tubig, kailangan nang dalhin sa ospital. Mag-ingat po.

Comments

comments

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here