Home News Locale News Pagpapatalsik kay Duterte, sinimulan na ng CPP

Pagpapatalsik kay Duterte, sinimulan na ng CPP

13
0
SHARE

Sa kabila ng mga banat at hayagang hindi pagkagusto ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Estados Unidos, iginigiit pa rin ng Communist Party of the Philippines (CPP) na “tuta ng Kano” ang Pangulo ng bansa.

Sa inilabas na pahayag ng komunistang grupo, hinihikayat nito ang sambayanan na mag-aklas at patalsikin ang pinaniniwalaan nilang rehimeng US-Duterte.

“The Filipino people and their revolutionary forces reaffirm their determination to advance the struggle for national and social liberation, seek the overthrow of US imperialism and the puppet Duterte regime and establish a fully independent people’s democratic state,” ayon sa pahayag ng CPP.

Inilabas ang pahayag matapos kumpirmahin ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang mga banta ng mga rebeldeng komunista na pabagsakin ang gobyerno.

Sinabi ng AFP na ang kumpirmasyon ay base sa mga narekober na mga dokumento mula sa mga sumukong miyembro ng New People’s Army.

Iginiit pa ng CPP na patuloy na umaasa at sunod-sunuran ang Pilipinas sa mga kagustuhan ng Amerika.

Kaugnay nito, ngayong araw ay ginugunita ang ika-72 Filipino-American Day.



Source: Abante

Loading…

Comments

comments

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here