Home News Locale News Pagkamatay ng batang may lupus, isinisi sa Dengvaxia

Pagkamatay ng batang may lupus, isinisi sa Dengvaxia

1
0
SHARE

Isinisisi ng mga magulang at kaanak ng 10 taong gulang na estudyante sa Quezon City ang pagkamatay nito sa naiturok na Dengvaxia.

Ayon sa mga magulang ng grade five student na si Anjielica Pestilos, biglaan ang pagbagsak ng katawan ng kanilang anak mula nang maturukan ng Dengvaxia nito lang Setyembre.

“Hindi po katanggap-tanggap talaga sapagkat siya po ay namatay nang dahil po rito sa dengue vaccine na ’to. Kasi wala po talaga siyang kasakit-sakit tapos makalipas ng September, ma-injection-an po, siya ay unti-unti nang nanghina,” kuwento ni Ramil Pestilos, ama ng bata.

“Ang kaniya pong paa nagmanas po, tapos higit sa lahat nilalagnat po, naglagas ang kaniyang buhok hanggang manakit po ang dibdib, iniinda niya na po ‘yung sakit ng kaniyang sikmura,” dagdag pa ni Ramil.

Sa mga retrato ni Anjielica sa ospital, kita ang mga pantal at pamamaga ng kaniyang mukha at katawan at paglobo ng tiyan. Higit tatlong linggo siyang na-confine sa ospital.

“Sana mabigyan siya ng katarungan. Kung hindi dahil sa dengue vaccine na ‘yan, di sana… ang anak ko na mamamatay,” naiiyak na sabi ni Lisa Pestilos, ina ni Anjielica.

“Kung hindi dahil sa Dengvaxia na ‘yan hindi siya magkakasakit na ganito kagrabe. Buhay ang naging kapalit,” ayon naman kay Helen Reyes, tiyahin ni Anjielica.

Batay sa death certificate ni Anjielica, intractable metabolic acidosis secondary to systemic lupus erythematosus ang sanhi ng kaniyang pagkamatay.

Ibig sabihin naging acidic ang katawan at dugo kaya naapektuhan ang body functions gaya ng paghinga.

Sa lupus naman, nag-malfunction ang immune system ng katawan, dahilan para atakihin ng sariling antibodies ang katawan.

Nagkaroon din siya ng kidney failure dahil sa lupus nephritis.

Ayon sa independent health advocate na si Dr. Tony Leachon, maaaring nakaapekto ang Dengvaxia kay Anjielica.

“Ang tingin ko seronegative siya, na-expose siya sa dengue tapos meron palang nakatago siyang sakit na lupus, humina ang resistensiya niya so naka-aggravate ang pagbakuna dito sa immune response niya. ‘Yun ang sanhi na ikinamatay niya,” paliwanag ni Leachon.

Comments

comments

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here