Home Public Info How to Paano mapoprotektahan ang Facebook account?

Paano mapoprotektahan ang Facebook account?

0
0
SHARE

Isa si Miguel Sison sa mga nakaranas ng biglang pag-log out ng Facebook account noong nakaraang linggo, isa sa mga hakbang ng kompanyang nagpapatakbo sa naturang social networking service dahil sa isang security breach o hacking.

“I was chatting with my friends sa Messenger then biglang na-log out. Tsinek ko rin sa laptop ko, sa phone ko, lahat na-log out,” ani Sison.

Inanunsiyo ng Facebook noong Biyernes na natuklasan nila ang isang security issue kung saan ninakaw ng mga hacker ang mga access token ng mga user.

Ang access tokens ay digital na susi sa isang account para manatiling naka-log in at hindi na paulit-ulit sa pagpasok ng password.

Ni-reset ng Facebook ang access tokens ng 50 milyong users na apektado ng security breach at dinamay ang 40 milyon iba pang users para matiyak ang seguridad ng kanilang mga account.

Bunsod nito, nasa 90 milyon ang kabuuang bilang ng mga account na biglang nag-log out.

Matapos ang biglaang pag-log out, agad nagpalit ng password sa Facebook si Sison, isang engineering student.

Ayon kay Sison, hindi rin kasi ito ang unang beses na nakompromiso ang kaniyang Facebook account.

“Bigla kong nakita sa feed ko na parang may nag-post sa feed ko gamit account ko, biglang nag-post na spam,” ani Sison.

Para kay Henry Lee, isang cybersecurity consultant, tama ang ginawa ni Sison na pagpalit ng kaniyang password kahit pa sinabi ng Facebook na naayos na nila ang problema.

Mainam umanong gumamit ng mga numero at special character kapag bumubuo ng password.

Dagdag pa ni Lee, mainam na i-unlink o tanggalin ang pagiging konektado ng Facebook sa ibang application, lalo iyong may access sa credit card ng user.

“It is a serious breach kasi what if iyong application mo gumagamit ng credit card?” ani Lee.

“Best way is to unlink iyong application then re-link.”

Sang-ayon naman ang National Privacy Commission (NPC) na dapat ay palitan ang password para matiyak ang seguridad ng account.

Source: ABS-CBN

Comments

comments

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here