Home Health Doc Willie Ong - Advise Paano Malalaman Kung ang Sakit ng Tiyan ay Appendicitis Na?

Paano Malalaman Kung ang Sakit ng Tiyan ay Appendicitis Na?

4
0
SHARE

Payo ni Dr. Willie T. Ong at Doktor Doktor Lads (maraming health tips sa kanyang page)

Ang appendicitis ay pamamaga ng appendix dahil sa pagbara o pagpasok ng dumi o mga foreign bodies sa appendix. Ang pagbarang ito ay maaaring magdulot ng impeksyon at pamamaga ng appendix. Hindi totoong magkakaroon ng appendicitis kapag tumalon o tumakbo pagkatapos kumain. Ang maaaring mangyari kapag ginawa ito ay maaaring sumakit an tiyan at magsuka pero hindi ito sapat na dahilan upang ma-shoot ang dumi o foreign body sa butas ng appendix.

Ang appendicitis ay isang medical emergency at kailangang maoperahan upang tanggaling ito. Kung hindi ito maoperahan ay maaaring sumabog ang namamagang appendix at kumalat ang mga infectious materials sa buong tiyan ng pasyente. Ito ay maaaring umabot sa pagkamatay ng pasyente kung hindi magagamot ng matatapang na antibiotics.

Ano ang Sintomas ng Appendicitis?
1. Pananakit malapit sa pusod hanggang sa kanan at ibabang bahagi ng tiyan. Ito ang unang senyales ng appendicitis.
2. Pagkahilo at pagsusuka.
3. Pananakit ng tiyan.
4. Namamaga ang tiyan.
5. Lagnat.
6. Hindi makautot

Kung nakakaranas ka ng mga sintomas na nabanggit ay agad na kumonsulta sa inyong doktor. Dahil importante ang oras para sa paggamot ng appendicitis. Huwag kumain o uminom o gumamit ng mga pain remedies, antacids, laxatives at heating pads dahil maaari itong maging sanhi ng pagsabog ng appendix.

Ang tanging paraan para gamuting ang appendicitis ay sa pamamagitan ng operasyon upang tangalin ang appendix.

Comments

comments

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here