Home Health Doc Willie Ong - Advise Paano maiiwasan ang UTI?

Paano maiiwasan ang UTI?

0
0
SHARE

By Dr. Willie Ong

Maraming kababaihan ang may UTI o Urinary Tract Infection. Ang impeksyon ay nanggagaling sa ating pantog (bladder) at daanan ng ihi (urethra).

Ang pangkaraniwang dahilan ng UTI ay ang mga:
1. Kulang ang pag-ininom ng tubig
2. Laging nagpipigil ng ihi.

Ano ang sintomas ng UTI?
May mga taong walang nararamdaman. Ang iba naman ay may pananakit sa bandang pantog, lalo na sa dulo ng pag-ihi. Mahapdi ang pakiramdam kapag lumalabas ang ihi. At isa pa, madilaw at may amoy din ang ihi.

Madaling malaman kung ika’y may UTI. Magpa-check lang ng urinalysis, kung positibo sa UTI dapat itong gamutin.

Ano ang gamutan ng UTI?
1. Uminom ng antibiotic ng 3 araw. Kumonsulta muna sa doktor. Ang pinakamura ay ang Amoxicillin 500 mg na tableta 3 beses sa maghapon. Inumin ito ng 3 araw hanggang mawala ang UTI.

2. Uminom ng 8 hanggang 12 basong tubig sa isang araw. Kailangan mong uminom nang maraming tubig para mabawasan ang bacteria sa ihi.

Paano iiwas sa UTI?
1. Tulad ng nabang­git, umi­nom ng 8 hanggang 12 ba­ song tubig sa maghapon. Ugaliing uminom ng 1 o 2 ba­song tubig bago kumain.
2. Huwag pigilin ang iyong ihi. Pumunta sa banyo palagi.
3. Maghugas pagkatapos umihi.
4. Walang masama sa pag-inom ng buko juice o Cran­berry juice. Baka maka­tulong din ito sa UTI.
5. Pagkatapos makipagtalik, piliting umihi ng isang beses. Huwag muna matutulog at baka umakyat ang impeksyon sa inyong pantog. Ang tawag ng doktor dito ay Honeymoon Cystitis.

Simple lang ang pag-iwas sa UTI, (1) uminom nang maraming tubig, at (2) maging malinis sa pag-ihi, pagdumi at sa buong katawan. Good luck po.

Comments

comments

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here