Home Health Doc Willie Ong - Advise Paano iiwas sa sakit sa puso – Doc Willie Ong

Paano iiwas sa sakit sa puso – Doc Willie Ong

503
0
SHARE

Kaibigang, may siyam na dahilan ng altapresyon at sakit sa puso:

  • Nagkakaedad. Tumataas ang posibilidad ng pagka­karoon ng altapresyon habang tayo ay tumatanda.
  • Lalaking kasarian. Mas mataas ang posibilidad na magkaroon ng altapresyon ang mga lalaki, kaya mas dapat silang mag-ingat at magpa-check-up ng maaga.
  • Lahi ng pamilya. Ang altapresyon ay maaaring ma­mana mula sa mga magulang. Kung may kamag-anak kayo na maagang namatay sa sakit sa puso (wala pang 50 anyos), sabihin at mag-pakonsulta sa inyong duktor.
  • Pagkaing maaalat at matataba. Ang maalat na pag­kain ay nagpapataas ng presyon ng dugo at nagbibigay ng manas sa paa. Ang matatabang pagkain naman ay nagdudulot ng pagbabara sa ugat ng ating puso at utak. Kaya mga kapamilya, paalam na sa bulalo. Subukan ang isda at gulay.
  • Sobrang katabaan. Dahil dito, ang puso ay mas pu­wer­sadong bumomba ng dugo. Ang puso natin ay maiha­halintulad sa makina ng kotse. Kapag kinar­gahan mo ng 2 tonelada ang kotse, masisira ang maki­na at gulong. Ganoon din ang katawan natin, kapag kinar­gahan mo ng taba at sobrang 30 pounds, para ka na ring nagbitbit ng 30 pounds na gamit sa iyong likod. Masisira ang iyong puso at tuhod.
  • Hindi aktibong pamumuhay. Maging magalaw at ma­liksi. Gumamit ng hagdanan. Maglakad sa mall. Kung kulang sa ehersisyo, mas mataas ang posibilidad na ang isang tao ay tumaba.
  • Sobrang alak. Ang malakas na pag-inom ng alak ay may masamang epekto rin sa ating puso, atay, sikmura at utak.
  • Paninigarilyo. Ito ay nakapagpapakipot sa mga ugat at nagiging sanhi ng di ma­gandang pagdaloy ng ating dugo.
  • Stress o tensyon. Ang stress ay nakapagpapataas ng presyon dulot ng sobrang pagkapagod ng katawang pi­­si­kal, lalung-lalo na ng isip at emosyon. Don’t worry, be happy.

Tandaan: Kung ang mga nabanggit na dahilan ay ma­­babawasan o mababago, ma­­aa­ring makaiwas sa ma­raming sakit.

Good luck po!

Comments

comments

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here