Home Recipe Desserts Paano Gawin Ang Masarap na Spaghetti Sauce

Paano Gawin Ang Masarap na Spaghetti Sauce

0
0
SHARE

Tuwing gagawa ako ng spaghetti sauce laging nagugustuhan ng mga mahal ko sa buhay at kaibigan dahil manamis namis,  malinamnam at syempre masarap. Ito ang ibabahagi ko ngayon kung paano gawin, sana magustuhan ninyo mga kababayan.

Mga sangkap:

  • 4 butil ng bawang (dinikdik)
  • 1 buo sibuyas (hiniwa)
  • 1/2 kilo giniling na karne ( beef, chicken or pork nasa inyo kung anong karne)
  • 1 kilo tomato sauce
  • 1 kilo tomato paste
  • 1/2  kilo ketchup
  • 1/2 kilo hotdog (hiniwa)
  • 1 bar ng keso (180 grams) ginayat
  • 1 lata gatas condensada (380 grams)
  • 1 lata gatas evaporada (370ml)
  • 1 lata All purpose cream (Nestle, Magnolia, etc)
  • 1/2 tasa mantika
  • asin ayon sa iyong panlasa
  • paminta ayon sa iyong panlasa

Paraan ng Pagluluto:

  1. Initin ang mantika at igisa ang bawang at sibuyas pagkatapos ay ilagay ang giniling, lakasan ang apoy at sangkutsahing maigi ang karne, timplahan ng asin at paminta haluin at hayaang kumulo ng 5 minuto.
  2. Ituloy ang pagluluto sa malakas na apoy, ilagay ang tomato sauce, tomato paste, at ketchup, haluing madalas para maiwasang masunog, kapag naigisa ng maigi ang sauce ay ilagay ang condensada at hayaang kumulo sa loob ng 10 minuto, haluin paminsan-minsan.
  3. Ilagay ang hotdog at hayaang kumulo hanggang sa maluto ito.
  4. Ilagay ang evaporada, all purpose cream at ginayat na keso, haluing maigi  at pakuluin ng tatlong minuto, icheck ang lasa bago patayin ang apoy.
  5. Pwede ng gamitin ang sauce na ito para panglagay sa spaghetti.

Kung loloobin ng Dios ay ibabahagi ko sa susunod paano gawin ang Jollibee style spaghetti sauce.

Source: Melyskitchen

Comments

comments

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here