Home Recipe Chicken Paano Gawin Ang Chicken Pop

Paano Gawin Ang Chicken Pop

2
0
SHARE

Ang chicken pop ay madaling lutuin at tiyak magugustuhan ito ng mga mahal nyo sa buhay.

Mga sangkap:
– 1/2 kilo pitso ng manok (hiniwa)
– 1 tasa harina
– 1 tasa bread crumbs or panko
– 1 pirasong itlog
– 1/4 tasa tubig
– asin ayon sa iyong panlasa
– paminta durog ayon sa iyong panlasa

Paraan ng Pagluluto
1. Timplahang maigi ang manok ng asin at paminta ayon sa iyong panlasa.

2. Paghaluin ang itlog at tubig, timplahan ng asin.
3. Ilagay ang mga hiniwang pitso ng manok sa harina, pagkatapos ay isawsaw sa pinaghalong itlog at tubig, patitisin, saka pagulungin sa breadcrumbs

4. Mag init ng mantika saka prituhin ang chicken pop.

5. Lutuin sa katamtamang init ng apoy para maluto pati ang loob na bahagi ng chicken pop. Ihain kasama ng ketchup o kung anoman ang paborito ninyong sawsawan.

Kung gusto nyong iimprove ang lasa sa pamamagitan ng paglagay ng mga powder na panimpla (chicken powder, vetsin, etc.) nasa sa inyo na po yon.

Source: Mely’s Kitchen

Comments

comments

SHARE
Previous articleOFW sa Qatar, niloko ng misis

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here