Home News Locale News P100K pabuya, alok para mahuli ang coach na humalay umano sa 12...

P100K pabuya, alok para mahuli ang coach na humalay umano sa 12 anyos

0
0
SHARE

May P100,000 pabuya na naghihintay sa sinumang makapagtuturo sa kinaroroonan ng isang volleyball coach na umano’y nanghalay ng kanyang 12 anyos na player.

Hinihikayat ng pamilya ng biktima na kontakin sila sa numerong 09454636430 kung merong impormasyon kung nasaan si Dennis Laping, na nahaharap sa statutory rape at qualified seduction.

Abril 2017 nang mahuli si Laping sa isang entrapment operation. Pero kalaunan, nakalaya rin ito at mula noon ay hindi na natunton ng mga awtoridad.

Sa pagitan ng Pebrero at Abril nitong nagdaang taon, mahigit 10 beses umanong ginalaw ng volleyball coach ang bata. Sabi ng biktima, hinahalay pa siya ng coach bago ang training.

Source: DZMM Teleradyo

Comments

comments

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here