Home News OFW sa Qatar, Bangkay ng umuwi sa Pilipinas ng dinapuan ng malubhang...

OFW sa Qatar, Bangkay ng umuwi sa Pilipinas ng dinapuan ng malubhang sakit

1
0
SHARE

Humingi ng tulong kay Raffy Tulfo ang ina at kamag-anak ng isang OFW sa Qatar na confined dahil sa malubhang sakit.

Binalak ni idol Raffy na agad silang samahan sa Qatar pero hindi na ito naabutan dahil pumanaw na.

Panoorin ang buong kwento:

BINALAK NI IDOL RAFFY NA AGAD SILANG SAMAHAN SA QATAR PERO…

BINALAK NI IDOL RAFFY NA AGAD SILANG SAMAHAN SA QATAR PERO…#raffytulfoinactionYoutube: //bit.ly/RaffyTulfoOfficialYoutubeInstagram: //bit.ly/RaffyTulfoOfficialInstagramWebsite: //bit.ly/RaffyTulfoOfficialWebsite

Posted by Raffy Tulfo in Action on Monday, March 12, 2018

Napakahirap talaga magkasakit lalo na kung nasa ibang bansa ka, walang ibang matakbuhan kung malayo ka sa iyong kamag anak.

Maging paalala sana ito sa mga gustong mangingibang bayan, na dapat siguraduhin na physically fit tayo para hindi tayo dumanas sa ganitong kalagayan

Madaming kuwentong OFW nagpapaantig sa puso nating Pilipino:

-kagaya ng kuwento ng isang kabayan, sa edad na dose(12) nakapag asawa na, sa edad na dise siyete(17) nakapag abroad na, para tustusan ang pamilya, ang asawang may sakit, sa edad na bente(20) balo na siya, namatayan na rin ng anak, ginahasa na ng 3 beses ng iba’t ibang lalaki….. pero hanggang ngayon lumalaban pa rin siya sa buhay sa murang edad.

kagaya ng kuwento ng isang caregiver, na sa kagustuhang madagdagan ang kita nag pasyang maghanap ng partime, hindi niya alam na mapapadpad siya sa sex den, mabuti na lamang at nakatakas siya, ilang buwan niya ding tiniis ang impiyernong kinasadlakan.

ilang kababayan natin ang narape at halos patayin na ng employer pero pilit pa ring lumalaban, marami sa kanila nakasuhan pa, pagnanakaw, pang kukulam, love case ilan lamang sa mga ikinaso sa kanila, pero pilit pa ring lumalaban…..

ilang kababayan natin ang nasa kulungan sa ngayon, hindi maganda ang sitwasyon nila, ilang lingo ng walang ligo,siksikan sa maliit na selda, ang iba nagkakasakit na…. pero pilit pa ring lumalaban…

ang iba napipilitang gumawa ng masama, nakikipag relasyon kung kani kanino kahit alam nilang bawal, wala namang kasing tatanggap na kompanya o mayos na trabaho lalo kung wala kang legal na dokumento, para matustusan ang pamilya, pamilyang umaasa…..may sakit kasi si tatay o si nanay, kailangang makapag aral ng mga anak o kapatid, paano ang pangangailangan nila sa araw araw para mabuhay, walang ibang paraan……lumalaban sa mali o tama man na paraan, pero sino tayo para manghusga???

ang iba dito na rin inaabot ng katandaan, lalo sa mga kababayang TNT, nagkakasakit na di pa rin makauwi, gustuhin man, ang iba dito na rin binabawian ng buhay…ang iba iniwan na ng katinuan dahil sa hirap ng sitwasyon o sa pang aabuso…

pero lahat tayo may laban na kailangang harapin, ganun talaga ang buhay, sabi nga matira ang matibay…ang tanging pinanghahawakan na lang natin ay ung salitang lahat ng eto ay may katapusan din……

dahil alam natin na may katapusan ang lahat, aabot din tayo sa finish line, sigurado yan….wag lang tayong titigil.

Source: Raffy Tulfo in Action

 

Comments

comments

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here