Home News Locale News OFW sa Kuwait na nagtago sa imburnal dahil daw sa mapang-abusong amo,...

OFW sa Kuwait na nagtago sa imburnal dahil daw sa mapang-abusong amo, sinagip.

56
0
SHARE

Nasagip ang isang Pinay overseas worker na tumakas mula sa pagmamaltrato umano ng kaniyang amo sa Kuwait. Ang OFW, dalawang araw daw na nagtago sa isang imburnal sa disyerto.

OFW na nagtago sa imburnal dahil daw sa mapang-abusong amo, sinagip

OFW na nagtago sa imburnal dahil daw sa mapang-abusong amo, sinagip. Tinutukan 'yan ni JP Soriano.Sa mga Kapuso abroad, tumutok o mag-subscribe sa GMA Pinoy TV, GMA Life TV, at GMA News TV International para sa iba pang mga balita.

Posted by 24 Oras on Friday, March 16, 2018

Nasagip ang isang Pinay overseas worker na tumakas mula sa pagmamaltrato umano ng kaniyang amo sa Kuwait. Ang OFW, dalawang araw daw na magtago sa isang imburnal sa disyerto.

Sa ulat ni sa GMA News “Balita Pilipinas” nitong Biyernes, kinilala ang kasambahay na si Joy Tuppi, tubong Isabela. Aniya,  tinatadyakan, sinasampal, sinusuntok at hinahampas umano siya ng kaniyang amo.

“Konting kamali lang po, sir. Ina-ano po nila ako…sinisigawan. Galit. Napakasinungaling po ng amo ko. Nagsumbong po dun sa anak niya na nagsusumbong ako sa ‘Pinas kaya po kinuha ‘yung CP ko,” ayon sa OFW sa hiwalay na ulat ng “24 Oras.”

“Sabi po nila, ikukulong po nila ako. Ipoposas pa nila ako kung magsusumbong po ako sa pamilya ko,” dagdag niya.

Nasagip si Tuppi ng Pilipinong organisasyon na Guardians R.U.G.B.I., matapos siyang lumabas sa pinagtataguan nang makarinig ng mga Pilipinong nag-uusap sa labas ng tunnel.

Kuwento ng kasambahay, dalawang araw na siyang walang tubig at pagkain.

Ayon sa OFW, kinuha rin daw ng kaniyang amo ang kaniyang cellphone.

“Marami po. Marami po. Sabi pa nila, ikukulong po nila ako. Ipoposas po nila ako kung magsusumbong po ako sa pamilya ko at kung sino-sino,” sumbong niya.

Ilang ulit din daw lumapit si si Tuppi  sa kaniyang agency pero hindi raw siya tinulungan.

“Naghintay ako. Nagmakaawa ako sa kanila. Anong pinagsasabi nila. Burahin ‘yung mga text, tawag…Wala. Walang nangyari,” sabi niya.

Nagdesisyon raw siyang tumakas matapos umano siyang pagbantaan ng kaniyang mga amo na huhulihin at ibenta sa iba.

“Meron po akong nakitang apat na sasakyan na tumitingin sa akin. Hinahabol po ako kaya po pumunta po ako sa daluyan po ng tubig,” sabi ni Tuppi.”Dalawang araw, dalawang gabi po patakbo-takbo po sa disyerto na ano po maraming tinik po, na ano sa mga bugbog.”

Iniimbestigahan na ng embahada sa Kuwait ang kaso ni si Tuppi.

“We will call the agency and immediately request na mapa-medical siya. Afterwards, i-endorse natin siya because of ‘yung complaint niya na maltreatment para makapag-file ng appropriate case against the employer,” sabi ni Nestor Burayag, OIC labor officer.

Sakabila ng nangyari, hindi na raw magdedemanda si si Tuppi  sa kaniyang amo, at gusto na lamang niyang makuha ang sahod at umuwi sa kaniyang pamilya sa Pilipinas.–

Source: GMA News

Comments

comments

1 COMMENT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here