Home News Locale News OFW ipinapatay ng asawa; bf ng ginang, sabit din

OFW ipinapatay ng asawa; bf ng ginang, sabit din

3
0
SHARE

Arestado ang isang ginang at kaniyang boyfriend matapos umano nilang planuhin ang pagpatay sa mister ng una na isang overseas Filipino worker noong Mayo 19 sa kanilang bahay sa Lipa City.

Ayon sa ulat ni Superintendent Roderick Tonga, hepe ng Lipa City PNP, arestado noong May 20 kaugnay sa pagpaslang kay Danilo Teruel, 57, ang kaniyang asawa na si Janet Capalad.

Arestado rin ang kanilang kaibigan at boyfriend umano ni Capalad na si Roel Guico.

Lumalabas sa imbestigasyon na itinuro ng mga testigo si Guico na siyang kumausap daw sa gunman ilang araw ang pamamaril.

Sinampahan na ng kasong murder sa City Prosecutor’s Office ng Lipa ang dalawang suspek.

Pinaghahanap pa ng mga pulis ang gunman.

Binaril si Teruel 8:20 p.m. noong May 19 sa harapan ng kanyang bahay sa Barangay Pinagkawitan.

Kararating lang ni Teruel at ng kanyang asawa galing sa Saudi Arabia ng mangyari ang krimen.

Si Capalad ay isang nurse sa Saudi Arabia.

Ikinasal sila ni Teruel sa naturang bansa

Source: Balita Tambayan

Comments

comments

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here