Home Public Info OFW Info OFW Insurance Coverage at benepsiyong mula sa OWWA

OFW Insurance Coverage at benepsiyong mula sa OWWA

24
0
SHARE

Ilan sa ating mga kababayang OFWs ang hindi nakakaalam na meron silang Insurance Coverage kung sila ay nagsimulang mag-abroad mula noong ikatlong lingo ng Setyembre taong 2010?

Marahil ay iilan lamang sa aking mga kababayang OFW ang nakakaalam na bago sila umalis ng Pilipinas ay merong silang tinatawag na “Mandatory Insurance Coverage” mula sa kanilang mga recruitment agencies.

Alinsunod sa Section 37-A ng ating Republic Act 10022 (An Act Amending Republic Act No. 8042, Otherwise Known as the Migrant Workers and Overseas Filipinos Act of 1995) o kilala sa tawag na OFW Insurance, sinususugan nito ang dating batas upang mabigyan ng kaukulang insurance ang lahat ng mga mang-gagawang pupunta at magtratrabaho sa ibang bansa mula sa mga recruitment agencies na walang kaukulang dagdag bayad mula sa mga mangagawa.

Ang Paramount Life and General Insurance Corporation and kauna-unahang Insurance Company na siyang inaprobahan ng ating gobyerno na siyang magbibigay ng lahat ng kakailanganing insurance ng ating mga OFWs. Kung ikaw ay nagsimulang magtrabaho sa ibang bansa at dumaan sa recruitment agencies mula noong Setyembre 2010, ikaw ay kasama sa tinatawag na mandatory insurance coverage para sa mga OFWs. Walang sinuman ang maaring maka-alis ng bansa kung wala silang tinatawag na mandatory insurance coverage na binayaran ng mga recruitment agencies sapagkat ito ay isang pangunahing requirements para mabigyan ng tinawag na Overseas Employment Clearance o OEC and isang bagong mang-gagawa.

Nakapaloob dito na ang bawat mang-gagawa sa kahabaan ng kanyang kontrata ay magkakaroon ng mga sumusunod na benepisyo.

  • Aksidenteng Pagkamatay – USD15,000 na matatangap ng kanilang pamilya
  • Natural na Kamatayan – USD10,000 na matatangap ng kanyang pamilya
  • Pagkakaroon ng Permanenteng Kapansanan o pagkaparalisa at hindi na maaring makapagtrabaho – USD7,500
  • Pagpapauwi ng labi kung namatay o kaya ay pinawalang bisa ang kontrata ng kanyang amo ng walang kadahilanan.
  • USD 100 bawat buwan na hindi lalampas sa anim na buwan kung kinasuhan ang isang mang-gagawa bilang dagdag sa gastusin.
  • Pagbisita ng isang kamag-anak kung ang isang mang-gagawa ay nasadlak sa banig ng karamdaman sa loob ng magkakasunod na pitong araw
  • Pagdala sa alinmang pagamutan gamit ang kahit ano mang transportasyon kung walang ano mang hospital na malapit sa pinagtratrabahuan ng mangagagwa.
  • Pagpapauwi sa mangagagawa sa kanyang tirahan kung kinakailangan ng gamit ang anu mang uri ng transportasyon kung itoy may pahintulot mula sa Doktor na sumuri.
  • Iba pang benepisyo na nakapaloob sa kasunduan.

Hindi lingid sa aking kaalaman na merong mga recruitment agencies na hindi ito ipinapaalam sa mga OFWs lalot higit hindi nila binibigyan ng kopya o sipi ng polisiya ang bawat OFWs na kasama sa nasabing insurance. Sa aking palagay mayroong mga tiwaling recruitment agencies na pagkatapos nilang mapaalis ang kanilang mga mangagawa ay kinakansela nila ang nasabing mga insurance para maibalik sa kanila ang perang ibinayad dito kaya hindi nila binibigay sa mga mangagawa ang kopya ng kanilang insurance policy.

Ang kaukulang bayad para sa taunang insurance ng bawat land-based na mangagawa ay umaabot ng USD72 para sa isang taon at USD144 para sa dalawang taong kontrata. Para naman sa ating mga seaman o yung tinatawag na sea-based OFWs and kanilang taunang bayad ay umaabot ng USD100 sa isang taon at USD200 para sa dalawang taong kontrata. Mahigpit na ipinagbabawal ng ating batas na ang bayarin sa nasabing insurance ay hindi dapat ipataw sa mga mang-gagawa.

Lahat ng legal na OFWs na dumaan sa tamang proseso at nabigyan ng tinatawag na OEC mula sa POEA ay kasama doon sa mga tinatawag na insured workers. Ang halaga ng kaukulang kontribusyon ay nakabase sa inyong pinirmahang kontrata na siyang isinumite sa POEA at ito ay epektibo lamang kung ilang taon ang inyong unang kontrata.

Ang isang balik mang-gagawa ay hindi na kasali sa programang ito subalit kung sila ay bumalik naman sa panibagong employer, sila ay mapapabilang dito. Tandaaan din natin na maliban dito mayroon pa tayong mga benepisyo mula sa OWWA na pwede rin nating mapakinabangan anot anuman ang mangyari sa atin.

Sa huli, alamin po natin kung ano-ano ang mga benepisyong meron tayo o para sa atin na ipinagkakaloob ng ating gobyerno sa mga panahong tayo ay malayo sa ating mga mahal sa buhay at ng mapakinabangan po natin sa halip na mapunta lamang sa mga tiwaling opisyal at mga buwayang kinukupkop ng ating pamahalaan.

Source: OFW.Com, JBsolis, Owwa

Comments

comments

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here