Home News Locale News Nigerian na nambibiktima ng Pinay sa Facebook, Huli sa raid

Nigerian na nambibiktima ng Pinay sa Facebook, Huli sa raid

1
0
SHARE

Mabilis na pinasok ng Imus Police ang bahay ng target ng kanilang operasyon.

Sa ulat ni John Consulta sa 24 Oras ngayong Miyerkoles, agad pinadapa at pinosasan ang mga dinatnang Nigerian nationals na ang ilan, natutulog pa sa kwarto.

Nagtangka pang magtago ang ilan sa mga dayuhan pero nahuli rin ang lahat.

Ayon sa pulisya, pumasok sa bansa bilang foreign students ang mga dayuhan noong nakaraang taon. ‘Yun pala, front lang nila ito para sa kanilang online fraud scam.

Nagpapanggap daw silang mga Amerikanong sundalo gamit ang mga pekeng Facebook accounts, saka naghahanap ng mga Pilipinang mabibiktima sa Facebook o online dating sites.

Ang masaklap, may mga kasabwat pa raw silang mga Pilipino.

Kapag ang Pilipinang tina-target ay nasa ibang bansa, agad daw ipinapasa ng Nigerians sa kanilang mga kasama sa sindikato sa bansang iyon.

Nakuha sa laptop ng mga suspek ang mga address at pangalan ng mga nabiktima ng sindikato.

Mayroong galing Iloilo, Cebu, Nueva Ecija, at Metro Manila na nabiktima gamit ang account na Putri Kevin.

Napaluhod at napaiyak sa takot ang sinasabing lider ng grupo nang makaharap ang matataas na opisyal ng PNP Region 4A at iginiit na wala silang alam sa bintang.

“I did not scam her, God knows I did not scam her,” saad ni Emmanuel Chinonso Nnandi.

Pero positibo silang itinuro ng mga complainant at mga dating nobya ng Nigerians na nagdiin sa mga suspek.

“Mahilig po kasi tayo mag-post ng mga selfie na mukhang may kaya kaya ‘pag alam nang may kaya, ‘yun ang tinatarget nila,” sabi nito.

Narekober ang mga passport, laptop at mga dokumento na ebidensya sa modus ng mga suspek.

Babala ni Police Chief Supt. Edwin Carranza, Regional Director ng PRO 4A, “Mag-ingat po tayo, Facebook, may fi-friend sa atin. I-add mo ba, you check the profile. Kung hindi mo kilala, huwag po tayo mag-add. ‘Yun ang panawagan natin, do not trust lalo na ‘yung mga hindi n’yo pa name-meet.

Source: GMA

Comments

comments

SHARE
Previous articleCrispy Pata Recipe

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here