Home News Locale News Namatay ang 87 sa 891,000 na bata na nabakunahan ng Dengvaxia —...

Namatay ang 87 sa 891,000 na bata na nabakunahan ng Dengvaxia — DOH

0
0
SHARE

Inihayag ng Department of Health (DOH) nitong Martes na 87 sa 891,000 na bata na nabakunahan ng Dengvaxia ang pumanaw dahil sa dengue at iba pang sakit.

Gayunman, wala pa rin umanong katibayan na magpapatunay na may direktang kinalaman ang anti-dengue vaccine sa pagkamatay ng mga bata.

“Sa ngayon po, as of last week, ang total number of mortalities recorded is 87. Ito yung huling report sa akin ng epidemiology bureau and these are validated cases na vaccinees,” ayon kay Health Undersecretary Rolando Enrique Domingo, nang dumalo sa pagdinig ng House Committee on Appropriations para sa  P1.16-bilyong supplemental budget para tulungan ang mga nabakunahan ng Dengvaxia.

Nang makapanayam ng mga mamamahayag, sinabi ni Domingo na 11 sa 87 na nasawi ay dahil sa dengue.

“Sa mga ‘yun, yung laboratory tested and confirmed, meaning na grow sa culture or na-PCR yung blood sample nila na merong dengue, is 11,” pahayag ng opisyal, na nagsabi ring hindi pa malinaw kung direktang may kaugnayan sa Dengvaxia ang kanilang pagkamatay.

“I think that will take some more time. We have to do a lot of epidemiologic studies for the next few years,” dagdag ni Domingo.

Ayon pa kay Domingo, hindi pa maidedeklara ng DOH na bigo ang Dengvaxia kahit lumalabas na 11 sa mga batang nasawi ay nagkaroon ng dengue kahit nabakunahan.

“Maliit pa kasi yung number. We assume that there’s failure in some cases kasi may mga ibang cases tayo na namatay sila, nabakunahan, pero nung tinest[test] for dengue antigen and dengue antibodies, wala silang na-mount na any form of defense against dengue. So mukhang hindi talaga siya effective sa lahat,” paliwanag ng opisyal.

Nakapaloob sa inaprubahang P1.16-bilyong supplemental budget ay medical assistance program para sa mga nabakunahan ng Dengvaxia, public health management at human resource for health deployment para patuloy na masubaybayan ang mga nabakunahang mga bata. — FRJ, GMA News

Comments

comments

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here