Home Public Info OFW Info Nakakaiyak na “spoken-word poetry” ng isang mag-aaral para sa ama niyang OFW,...

Nakakaiyak na “spoken-word poetry” ng isang mag-aaral para sa ama niyang OFW, nagviral sa social media

203
0
SHARE

Overseas Filipino Workers ang tawag sa karamihan ng mga kababayan natin nais mangibang bansa o makipagsapalaran sa kung anong trabaho ang naghihintay sa kanila. OCW ang dating tawag sa kanila o Overseas Contractual Workers sapagkat hindi permanente ang aabutan nilang trabaho sa ibang bansa kung hindi ay isang kontrata lamang na pinirmihan na kalimitan dalawa o hanggang tatlong taon ang dapat bunuin matapos ay puwede ulit pumirma ng bagong kontrata para makapag-trabaho.

Isa sa mga nagviral ngayon sa social media ang tula ng anak sa isang OFW na umani ng maraming likers at followers sa facebook. Mapanuod natin na may pinaghuhugutan ang batang ito dahil sa kanyang ama na nasa ibang bansa. Kung ikaw ay isang OFW ramdam mo ang mensahe sa tula ng bata.

Panoorin ang kanyang tula:

OFW

Nakakaiyak na tula ng isang mag-aaral para sa kanyang amang OFWLIKE & Follow for more updates

Posted by Trending Viral Videos on Saturday, March 3, 2018

Ang pinaka nangungunang dahilan ng mga OFW sa pagkakaroon ng malaking sahod ay ang makapag-pundar ng bahay at lupa para sa kanilang pamilya. Sino nga ba sa atin ang hindi gugustuhin na magkaroon ng sariling ari-arian? Para sa hinaharap ay may maipagmamalaking “sa atin ito”.

Kayod kalabaw ang karamihan sa mga manggagawang Pinoy saan man sa mundo, upang makapag-ipon ng malaki at maipadala sa pamilyang naghihintay sa bansang sinilangan. Kahit sobra na ang pangungulila sa pamilya, binabalewala na lamang ito at itinutuon ang atensyon sa pagtatarabaho. Hindi madali ang maging OFW. Dahil mag-isa kang haharapin ang buhay sa ibang bansa, walang ibang kikilos para sayo kung hindi ang sarili mo.

Mula sa paghahanda ng damit na isususot para sa trabaho, pagkain at kung ano-ano pa na ‘di mo maaaring iasa sa iba. Matututuhan mong maging independent sa mga ganitong pagkakataon. Nagtitiis ang iba na hindi bumili ng mga nagmamahalang gamit o di kaya’y nililimitahan ang pagkain nang sa gayon ay malaki ang matipid sa pang araw-araw na pamumuhay doon.

Ang ilan naman ay paunti-unting nag iipon ng mga maipapadalang gamit o kung ano mang mabili sa bawat araw ng sahod para sa balikbayan box na ipapadala sa Pilipinas. Siyempre hindi mawawala sa pasalubong ang paborito ng lahat, ang tsokolate na galing abroad.

Ang pagiging OFW ay hindi madali, kapalit ng isang malaking sahod at magandang buhay para sa pamilya sa Pinas ay ang paglayo sa bansa at makisalamuha sa mga banyaga at doon mag-hanapbuhay.

Source:

Comments

comments

1 COMMENT

  1. Your comment is awaiting moderation

    Hallo zusammen, Ich lesze all Ihre article.
    I wie, um einen kleinen Kommentar zu Ihrer Unterstützung
    zu schreiben.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here