Home Health Doc Willie Ong - Advise Nakakahawa ba ang Chickenpox kung bago pa lang?

Nakakahawa ba ang Chickenpox kung bago pa lang?

0
0
SHARE

Tips ni Dr. Richard Mata

Marami pong nagkakamali patungkol sa Chickenpox o Bulutong tubig!

Ang akala ng marami ay mas nakakahawa na ang Chickenpox kapag malapit ng gumaling ang pasyente.

Mali po yun. Di po yan ispirito na sasanib sa iba kapag tapos na sya sa isa. Virus po yan.

Nakakahawa na po ang pasyente sa unang araw palang ng sakit hanggang mga 5-7 days o hanggang tuyo na ang lahat ng bulutong!

Kung tuyo na ang bulutong ay di na nakakahawa. Kung basa pa nakakahawa pa.

Kunwari nagkachickenpox si Juan ng unang araw, pwede ng makuha ni Pedro na classmate niya sa unang araw pa lang ang virus!

Subalit hindi pa lalabas ang bulutong ni Pedro dahil ang virus ay mag-iincubate pa sa katawan ni Pedro ng mga 10 days then saka palang lalabas ang lagnat ni Pedro at ang bulutong.

Kaya ang buong akala ng iba ay kung kailan gumaling si Juan ay doon pa nahawa si Pedro pero matagal na pala syang nahawa nagincubate lang.

Ang virus ay pwedeng mapasa sa apat na paraan:

1. Kung malanghap mo ang ubo ng may chickenpox, o kahit malapit kayong nag-chika chika, hawa ka!

2. Kung nahawakan ang basa ng bulutong, hawa ka!

3. Kung nahawakan mo ang gamit ng may Chickenpox. Pwede kasing may virus doon na galing sa bulutong niya. Kaya hugas parati ng kamay.

4. Kung malanghap mo ang virus na lumipad galing sa bulutong , hawa ka!

Wag kamutin ang bulutong upang di pumeklat. Ang kuko inailcutter.

Pwedeng uminum ng anti-histamine at anti-virus pero dapat magpaconsulta para malaman kung anong dapat.

Gumagaling naman ng kusa ang Chickenpox kahit walang anti-virus na gamot kaya lang pagmarami ang bulutong ay mas magandang may gamot.

Pwede namang maligo ng maligamgam at sabonan upang di gaanong makati at maiwasan ang bacteria at magka-nana ang bulutong.

Source: Doc Willing Ong, Dr. Richard Mata

Comments

comments

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here