Home Health Doc Willie Ong - Advise Mga Simpleng Paraan Para Mabawasan ang Stress sa Buhay

Mga Simpleng Paraan Para Mabawasan ang Stress sa Buhay

269
0
SHARE

Narito ang ilang mga relaxation techniques upang makaiwas sa stress:

1. Meditate. Ang ilang minuto ng meditation ay makakatulong upang maalis ang anxiety. Simple lang itong gawin, umupo lang ng maayos, ipikit ang mga mata habang nagsasabi ng positibong bagay sa sarili tulad ng “Okay lang ako” o “Kalmado ako”.

2. Huminga ng malalim. Magkaroon ng limang minutong pahinga at huminga ng malalim. Umupo ng maayos at dahan-dahang huminga. Dapat ay maramdaman ang paglaki ng tiyan habang humihinga. Huminga paloob gamit ang ilong at palabas gamit ang bibig. Nakakatulong ito upang pababain ang heart rate at blood pressure.

3. Humingi ng tulong. Ang iyong pamilya at iyong kaibigan ay makakatulong upang masolusyunan ang stress sa buhay. Kausapin sila ng personal o kahit sa telepono. Ibahagi ang iyong mga problema.

4. Decompress. Maglagay ng warm heat wrap sa iyong leeg at balikat sa loob ng sampung minuto. Ipikit ang mga mata at irelaz ang mukha, leeg, dibdib at likuran. Tanggalin ang heat wrap at gumamit ng tennis ball o foam roller upang imasahe sa iyong muscles.

5. Tumawa. Ang pagtawa ay nakakatulong upang mabawasan ang stress. Binabawasan nito ang cortisol, stress hormone, sa ating katawan at pinapataas ang endorphins na nakakatulong upang tayo ay sumaya. Manood ng paboritong sitcom, pelikula, magbasa ng komiks o libro o makpag-usap sa taong nagpapasaya sa iyo.

6. Makinig ng musika. Nakakatulong ang musika upang mapababa ang blood pressure, heart rate at anxiety. Ang mga nature sounds tulad ng karagatan, batis, ibong kumakanta o soothing music ay nakakatulong upang marelax ang isang tao.

7. Mag-ehersisyo. Ang lahat ng klase ng ehersisyo ay nakakatulong upang maglabas ang katawan ng mga happy hormones. Ang simpleng paglalakad o pagtakbo ay nakakatulong upang malabana ang stress at anxiety.

8. Magdasal at magpasalamat. Maaaring magsulat a diary at journal bago matulog o pagkagisin sa umaga upang alalahanin ang lahat ng magagadang bagay na nangyari sa iyo sa nagdaang araw. Magdasal sa Panginoon dahil mahal ka Niya at handa Siyang makinig sa iyong mga problema.

Comments

comments

1 COMMENT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here