Home Health Mga Masamang Epekto sa Kalusugan ng Kapag Tulog sa Umaga, Gising sa...

Mga Masamang Epekto sa Kalusugan ng Kapag Tulog sa Umaga, Gising sa Gabi

0
0
SHARE

by Dr. Willie T. Ong at Doktor Doktor Lads

Maraming mga Pilipino ang mayroong trabaho sa gabi. Tulog sila sa umaga at gising sa gabi. Ito ang tinatawag na graveyard shift. Ito ay nagdudulot ng iba’t ibang health risk.

1. Naaapektuhan nito ang tagal at kalidad ng tulog. Ang mga taong may graveyard shift ay nakakatulog lamang ng kulang sa anim na oras kada araw. Mas mababa din ang level of serotonin (feel-good hormone) na nakakatulong sa pagtulog sa mga taong may graveyard shift kaya hindi ganoon kaganda ang kanilang tulog sa umaga.
2. Nagpapataas ito ng risk na magkaroon gn diabetes. Ang mga taong may graveyard shift ay may mas mataas na posibilidad na magkaron ng diabetes ayon sa research sa Occupational and Environmental Medicine.
3. Nagpapataas din ito ng risk na magkaroon ng obesity o labis na katabaan ayon sa research ng Brigham and Women’s Hospital.
4. Tumataas ng 30% ang risk na magkaroon ng breast cancer ang isang taong may graveyard shift ayon sa research sa International Journal of Cancer.
5. Nagdudulot ito ng pagbabago sa iyong metabolism. Mas mababa ang levels ng leptin sa mga taong may graveyard shift. Ang leptin ay mahalaga sa pagkontrol ng iyong tumbang, blood sugar at insulin levels.
6. Tumataas ang risk na magkaroon ng atake sa puso ng mga may graveyard shift ayon sa research sa British Medical Journal.
7. Nagpapataas din ito ng risk na maaksidente ayon sa research ng University of British Columbia. Dahil na rin sa puyat at pagod, nagiging mas hindi alerto ang mga tao at mas at risk na maaksidente.
8. Mas mataas ang risk nila na magkaroon ng depression ayon sa International Journal of Occupational and Environmental Health.

Hindi talaga maiiwasan minsan ang pagkakaroon ng graveyard shift lalo na kung kailangan talaga ang perang kikitain mula dito.

Ang payo ko lamang ay huwag pababayaan ang sarili, kumain ng masustansya, iwasan ang matataba, maaalat at matatamis na pagkain, iwasan ang mga bisyo tulad ng sigarilyo at alak, magkaroon ng regular na ehersisyo at sikaping mabawi ang tulog sa umaga

Comments

comments

SHARE
Previous articleSAKIT NG MGA LALAKI

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here