Home Health Doc Willie Ong - Advise MALUSOG NA ‘POWER NAP’

MALUSOG NA ‘POWER NAP’

1
0
SHARE

Ang pag-idlip o napping ng 20-30 minutes sa lunch break natin sa trabaho ay mahusay para sa ating kalusugan at trabaho.

Hindi totoo na masamang matulog sandali o umidlip pagkatapos ng lunch natin. Kahit nga hindi tayo talagang makatulog bastang I-relax lang natin ang isip natin at katawan at ipikit ang mga mata natin, ok na rin.

Napapababa ng short naps ang cortisol at ibang stress hormones sa katawan natin, kaya’t maganda siyang pang relieve ng stress.

Mas nagiging alerto ang pag-iisip natin pagkatapos ng short nap.

Nag-iimprove rin ang ating memory at analytical skills, pati na rin ang ating creativity.

Based sa mga researches, ang regular na nag-nnap tuwing lunch ay mas marami ang natatapos na trabaho at mas mahusay rin ang pag gawa nito. Mas mababa rin ang risk na burn out sa trabaho.

Pero pag sobra ring mahaba ang nap ( mahigit sa isang oras) baka masira naman ang tulog sa gabi. Baka masesante pa sa trabaho pag nakita ng boss na natutulog kahit tapos na ang lunch break. Kaya’t short naps lang–20-30 minutes.

Comments

comments

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here