Home News Locale News Maleta ng OFW hindi nakarating sa NAIA

Maleta ng OFW hindi nakarating sa NAIA

0
0
SHARE

Humingi ng tulong ang isang babaeng OFW sa mga awtoridad nang mawala ang maleta niyang puno ng pasalubong para sa kaniyang dalawang anak at mga kamag-anak.

Ayon sa ulat ni Jun Veneracion sa “24 Oras” nitong Miyerkules, isa lang sa mga check-in baggage ni Khrishna ang nakuha niya sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 1 nang dumating ito mula Dallas, Texas sa Amerika nitong Linggo.

Maleta na puno ng pasalubong, 'di na raw nakarating sa NAIA

Maleta na puno ng pasalubong, 'di na raw nakarating sa NAIA | Tinutukan 'yan ni Jun Veneracion.Sa mga Kapuso abroad, tumutok o mag-subscribe sa GMA Pinoy TV, GMA Life TV, at GMA News TV International para sa iba pang mga balita.

Posted by 24 Oras on Wednesday, May 2, 2018

Naghain si Krishna ng reklamo sa kanyang sinakyang airline na Air China.

Sa isang sulat, humingi ng paumanhin ang kumpanya at nagsabing gumagawa na sila ng paraan para mahanap ang nawawalang bagahe.

“We’re sorry to hear that your baggage did not arrive at the (NAIA) on the same flight,” sabi ng Air China.

Humingi rin ng tulong si Krishna sa mga opisyal ng paliparan: “Sa NAIA terminal po, sana po, tulungan n’yo ako du’n sa bagahe ko po kasi noong Thursday pa ‘yun.”

Ayon sa Manila International Airport Authority (MIAA), kargo na raw ng Air China ang insidente pero nangako ito na tulungan si Krishna kung hindi umaksyon ang kumpanya.

“‘Yan po ay iti-trace ng airline. Normally po mga seven days tracing up to 21 days,” giit ni Ed Monreal, ang general manager ng MIAA.

Naglabas ng sama ng loob ang OFW sa pagkawala ng kagamitang matagal na niyang pinaghirapan sa ibang bansa.

“Katas ‘yun ng pinaghirapan ko doon. Trabaho, ‘yung puyat. Tapos isang iglap lang mawawala,” sabi ng biktima.

Source: 24 Oras

Comments

comments

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here