Home Health Doc Willie Ong - Advise Mag-ingat sa HEAT STROKE

Mag-ingat sa HEAT STROKE

0
0
SHARE

Ni Dr. Willie T. Ong

Ang heat stroke ay nakukuha sa sobrang init ng panahon. Nanghihina at nahihilo ang mga pasyente at sumasakit ang ulo. Nahihirapan din mag-isip at parang hihimatayin. Tumataas din ang temperature ng katawan.

Tips para makaiwas sa heat stroke:

(A) Huwag lumabas ng bahay mula 10 AM hanggang 4 PM. Kahit nasa beach ka ay dapat din umiwas sa pag-swimming ng ganitong oras.
(B) Magsuot ng preskong baro na kulay puti.
(C) Magsuot ng malaking sombrero o mag-payong.
(D) Huwag masyadong mag-ehersisyo kapag mainit. Mas mabilis kasi mapagod ang ating katawan. Dahan-dahan lang.
(E) Uminom ng malamig na tubig, hanggang 12 baso sa isang araw.
(F) Kumain ng pakwan o buko (92% water content) at nagpapaginhawa ng katawan.

Ano ang lunas sa bahay?

(A) Kumuha ng basang tuwalya at ipunas ito sa katawan.
(B) Dalhin ang pasyente sa malamig o air-conditioned na lugar.
(C) Kung gising siya, painumin ng malamig na tubig.
(D) Bigyan ng maraming hangin para mabawasan ang init sa katawan.

Good luck po!

Comments

comments

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here