Home News Locale News LOOK: Bahay ni Freddie Aguilar, nasunog

LOOK: Bahay ni Freddie Aguilar, nasunog

0
0
SHARE

Tinupok ng apoy ang tahanan ng ‘Anak’ singer na si Freddie Aguilar sa North Fairview, Quezon City kaninang madaling-araw.

Halos pitumpung porsyento ng bahay ng singer ang natupok ng apoy na nagsimula sa music room.

Kwento ni Aguilar, nasa Ka Freddie Bar siya sa Tomas Morato nang tawagan siya ng kanyang anak para sabihing nasusunog na ang kanyang bahay.

Ayon sa singer, una niyang inalala ang buntis na asawang si Jovie.

Mabuti na lamang at mayroong nagmagandang loob na kapitbahay na nag-abot ng hagdan sa balkonahe na ginamit ni Jovie para makababa at makatakas sa nasusunog na bahay.

Wala pang pinal na assessment ang Quezon City Bureau of Fire Protection (BFP) tungkol sa halaga ng pinsala sa naturang sunog, ngunit ayon kay Aguilar, ang pagpapatayo ng kanyang bahay ay nasa ₱13 milyon hanggang ₱15 milyon.

Bukod pa ito sa kaniyang mga antigong gamit at muwebles, mga paintings, koleksyon ng gitara at plaka kabilang ang orihinal na plaka ng kanyang sikat na kantang Anak, at mga trophy mula sa mga pagkilala na aniya’y priceless.

Bagaman naabo ang lahat ng kanyang naipundar ay laking pasasalamat na lamang ni Aguilar at ligtas ang kanyang pamilya.

Paalala naman ng BFP, dapat ay agad na ayusin ang mga leak sa bahay at mga linya ng kuryente para makaiwas sa sunog.

Source: UNTV, Radyo Inquirer

Comments

comments

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here