Home News Locale News Lolong jeepney driver at lolang konduktora, kinakikiligan ng mga pasahero

Lolong jeepney driver at lolang konduktora, kinakikiligan ng mga pasahero

0
0
SHARE

Sa ulat ni Susan Enriquez sa “Unang Balita” nitong Lunes, sinabing 43 taon nang nagsasama bilang mag-asawa sina Rene Mojado, at kaniyang may-bahay na si Aida.

Suot ang kanilang couple shirt, sinasamahan ni Aida ang kaniyang asawa sa pamamasada araw-araw dahil mahina na raw ang pandinig nito ni Rene. Kaya naman siya ang nagsisilbing tenga ng kaniyang mahal na mister.

“Mahal na mahal ko ‘yan…” pahayag ni Lolo Rene.

“Talagang mahal na mahal… forever. Hanggang sa kamatayan, kami pa rin,” sagot naman ni Lola Aida.

Kaya naman ang kanilang mga pasahero na kalimitan ay mga estudyante, hangang-hanga sa pagmamahalan nila.

“Mas lalo akong naging hopeless romantic kasi alam mo yon, parang relationship goals kasi sa hirap at ginhawa talagang sinasamahan nila ‘yung isa’t-isa,” sabi ng isang pasahero.

“Kahanga-hanga po kasi kahit matanda na po sila magkasama po silang napasada,” dagdag pa ng isang pasahero.

Payo ng mag-asawa sa mga kabataan na nangangarap ding magkaroon ng “forever” gaya nila, magtapos muna ng pag-aaral dahil hindi madali ang buhay may-asawa.

“Ang masasabi ko sa mga kabataan ngayon eh mag-aral muna sila nang husto. ‘Pag sila ay nakatapos na, saka sila mag-asawa kung gusto nilang mag-asawa. Kasi kalimitan eh hindi nga nakakatapos, may anak na,” sabi ni Lolo Rene.

“Kailangan magmahalan kayo habang-buhay saka ‘yung nagpapasunuran kami nang maayos, ‘yung sa pagkain… ‘yan siya… hindi siya nakakalimot,” dagdag ni Lola Aida.– Anna Felicia Bajo/FRJ, GMA News

Comments

comments

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here