Home News Locale News Kuwait, pumayag na umano sa kondisyon ng Pilipinas para sa seguridad ng...

Kuwait, pumayag na umano sa kondisyon ng Pilipinas para sa seguridad ng OFWs

4
0
SHARE

Inihayag ni Department of Labor and Employment Secretary Silvestre Bello III na pumayag na ang pamahalaan ng Kuwait sa mga inilatag na kondisyon ng Pilipinas para mapangalagaan ang kaligtasan ng mga nagtatrabahong overseas Filipino workers sa kanilang bansa.

Sa ulat ng GMA News “Unang Balita” nitong Miyerkoles, sinabi ni Bello na ang mga kondisyon ay nakapaloob sa memorandum of understanding (MOU) na nakatakdang pirmahan ng dalawang bansa.

Kabilang umano sa mga nakapaloob sa MOU ay ang pagbabawal na kompiskahin ng mga amo ang cellular phone at pasaporte ng mga OFW. Hindi rin maaaring ibenta ang OFW sa panibagong amo.

Gayunman, kahit maipatupad na ang MOU at makuha ang hustisya sa nasawing si Joanna Demafelis (ang OFW na nakita ang bangkay sa freezer sa Kuwait), sinabi ni Bello na posibleng irekomenda na ang deployment ban lang para sa mga skilled worker ang alisin.

Idinagdag niya na maaaring gayahin ang MOU sa Kuwait upang pairalin din sa iba pang bansa sa Middle East upang mapangalaan ang iba pang OFWs.

Matatandaan na ipinatupad ni Pangulong Rodrigo Duterte ang total deployment ban sa Kuwait nang madiskubre ang bangkay ni Demafelis sa loob ng freezer.

Source: GMA News


Basahin din: Watch: Special Tribute of Joanna Daniela Demafelis – ANG BAGONG BAYANI

Comments

comments

SHARE
Previous articleWhat causes vaginal dryness?

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here