Home Showbiz Entertainment Kilalanin ang “Sampaguita Girl” na viral ngayon dahil sa angking ganda.

Kilalanin ang “Sampaguita Girl” na viral ngayon dahil sa angking ganda.

1
0
SHARE

Usap-usapan sa social media dahil sa angkin niyang ganda si “Sampaguita Girl” Veronica Rodillas. 

May komento ang Sampaguita vendor sa Quiapo Church sa kaniyang pagiging viral. Kasabay nito, sinagot din niya ang tanong kung mag-aartista ba siya sakaling siya’y alukin.

“Nagulat po ako gawa nga po nang nag-viral po ‘yung picture ko. Kasi ‘di ba po ang kadalasan na may mga nagpapa-picture ay ‘yung mga artista, o kaya ‘yung mga taong may nagagawang mabuti,” kaniyang sabi.

At dahil artistahin ang kaniyang ganda, tinanong din siya kung papasok ba siya ng showbiz sakali mang may mga mag-alok sa kaniya.

“Ang hirap pong sagutin kasi nakasanayan ko na pong magtinda tapos tumulong sa mama ko,” sabi ni Veronica.

“‘Wag makakalimot kung saan tayo nagmula,” dagdag pa niya.

Edad 20-anyos, nasa fourth year college ngayon si Veronica. Kapag wala siyang pasok, nasa Quiapo Church siya para bumalik sa pagtitinda ng sampaguita.

Bata pa lamang ay nagtitinda na siya kasa-kasama ang kaniyang nanay.

Pagtulong daw sa kaniyang ina ang pagtutuunan muna niya ng pansin, pati na rin ang mga aktibidad sa Quiapo church.

Ngunit sa tuwing nagbebenta siya ng sampaguita, sadyang napapalingon ang mga tao sa kaniya.

Kaya naman agad nag-viral at marami ang nag-like at share ng kaniyang larawan sa social media.

Walang problema kay Veronica na magpa-selfie ang mga tao sa kaniya, ngunit hiling niya rin na sana pansinin ang kaniyang paninda.

Source: Gma News

Comments

comments

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here