Home News Locale News KIDNAPPERS, NANGANGATOK NG BAHAY AT NANGNGUHA NG BATA!

KIDNAPPERS, NANGANGATOK NG BAHAY AT NANGNGUHA NG BATA!

0
0
SHARE

Hindi na makakalimutan ng 7-anyos na batang taga-Caloocan ang naranasan nito. Ayon sa salaysay ng biktima, may kumatok umano sa bahay nila at nagpakilalang katrabaho ng kanyang ama at dito na raw siya kinuha at isinakay sa van.

7-anyos na batang babae, nakatakas matapos dukutin sa harap ng kanilang bahay

7-anyos na batang babae, nakatakas matapos dukutin sa harap ng kanilang bahay

Posted by OFW Kami on Wednesday, May 9, 2018

Ayon sa ulat ng GMA News, tatlong lalaki umano ang salarin at naka-maskara ang mga ito. Dinala daw ang bata sa Novaliches proper. Dagdag pa ng biktima, 10 umano sila sa van at balak daw silang ibenta, buti na lang ay naka-tiyempo siya at nakatakas sa mga kidnappers.

“Sabi niya, pinapasundo daw ako. Tinakpan nila ang bibig ko. Tapos nakatulog po ako. Tapos nun, paggising ko na lang po, nandoon na lang po ako sa van,” sabi ng biktima.

“Nag-iyakan na kaming mag-nanay, kasi nga hindi ko talaga akalain na ganun ang nangyari na biglang nawala, ilang oras po eh. Sana naman po ay maawa po sila at ibalik sa magulang ang mga bata. Kawawa talaga.” ayon sa ina ng biktima.

Base pa sa ulat, tila sinadya pa daw sirain ang Closed-circuit television (CCTV) sa barangay.

“Ginawa na pong project ng ating Punong Barangay ang maglatag ng CCTV, nakailang linggo lang, nakita namin putol-putol eh,” pahayag ng Barangay Tanod ng Brgy 167, Caloocan.

Source: GMA News

Comments

comments

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here