Home News Locale News Joma Sison – Paglaban sa pamahalaan ng mga CPP-NPA mas paiigtingin...

Joma Sison – Paglaban sa pamahalaan ng mga CPP-NPA mas paiigtingin pa

4
0
SHARE

Sinabi ni CPP-NPA founding Chairman Jose Maria Sison na lalo pa nilang paiigtingin ang pakikipaglaban sa pamahalaan sa mga rural areas.

Magsasagawa rin ang kanilang commando units ng pag-atake sa mga urban areas.

Ginawa ni Sison ang pahayag matapos na i-proklama ni Pangulong Duterte ang rebedeng NPA na terorista at tapusin ang usapang pangkapayaapan sa CPP-NPA-NDFP.

Samantala nagbabala si Communist Party of the Philippines founding chairman Joma Sison na baka hindi raw kaya ni President Rodrigo Duterte na gampanan ang kanyang tungkulin bilang Pangulo.

Kasunod ito ng desisyon ni Duterte na pormal na kanselahin ang peace talks sa pagitan ng gobyerno at mga rebeldeng komunista dahil umano sa mababaw na pag-unawa ng Pangulo sa usaping pangkapayapaan

VIA JOMA SISON’S FACEBOOK PAGE | Bahagi ng pahayag ni CPP founding chairman Joma Sison matapos kanselahin ni Pres. Duterte ang peace talks.

“There are symptoms that Duterte is mentally unfit to handle the complexities of the affairs of his state and the peace process between the GRP and NDFP,” sabi ni Sison sa isang Facebook post.

“GRP officials in his Cabinet and the reactionary armed forces should consider whether he is mentally fit for his office or needs to be replaced in accordance with their 1987 Constitution.”

Paliwanag ni Sison, may mekanismo ang peace talks para tugunan ang mga reklamo ng paglabag ng magkabilang-panig, lalo na pagdating sa mga insidente ng engkuwentro at pag-atake.

“In the absence of ceasefire between the GRP and NDFP, he through his Negotiating Panel should have submitted his complaints to the Joint Monitoring Committee (JMC) under CARHRIHL.”

Kung tutuusin nga raw, sabi ni Sison ay may mga naging paglabag din daw ang gobyerno. Sa kabila nito ay nanatili sila sa pakikipagnegosasyon.

“The NDFP has always submitted to the JMC its complaints of HR and IHL violations committed by the AFP and PNP under the ceaseless all-out war policy, Oplan Kapayapaan and martial law in Mindanao.”

“These violations are far worse in scale and severity than those alleged by Duterte against the NPA. And yet NDFP never threatened to terminate the peace negotiations.”

Nagsinungaling din daw si Duterte nang sabihin niyang binalewala ng NDFP ang proposal ng peace negotiators ng gobyernopara sa isang stand down agreement bago i-adopt at ipatupad ang isang coordinated unilateral ceasefire.

At dahil daw sa pagkakansela ng peace talks, si Duterte daw ang mas lumabag sa kasunduan ng magkabilang panig.

“He violated the mutual agreement that talks would be discreet until there would be good news to announce at the end of the fifth or sixth round of formal talks,” sabi pa ni Sison.

Source: UNTV, News5

Comments

comments

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here