Home Health Doc Willie Ong - Advise IWAS HEAT STROKE

IWAS HEAT STROKE

100
0
SHARE

Ni Dr. Willie T. Ong

Ang heat stroke ay nakukuha sa sobrang init ng panahon. Nanghihina at nahihilo ang mga pasyente at sumasakit ang ulo. Nahihirapan din mag-isip at parang hihimatayin. Tumataas din ang temperature ng katawan.

Tips para makaiwas sa heat stroke:

(A) Huwag lumabas ng bahay mula 10 AM hanggang 4 PM. Kahit nasa beach ka ay dapat din umiwas sa pag-swimming ng ganitong oras.
(B) Magsuot ng preskong baro na kulay puti.
(C) Magsuot ng malaking sombrero o mag-payong.
(D) Huwag masyadong mag-ehersisyo kapag mainit. Mas mabilis kasi mapagod ang ating katawan. Dahan-dahan lang.
(E) Uminom ng malamig na tubig, hanggang 12 baso sa isang araw.
(F) At siyempre, kumain ng pakwan!

Ano ang lunas sa bahay?

(A) Kumuha ng basang tuwalya at ipunas ito sa katawan.
(B) Dalhin ang pasyente sa malamig o air-conditioned na lugar.
(C) Kung gising siya, painumin ng malamig na tubig.
(D) Bigyan ng maraming hangin para mabawasan ang init sa katawan. Good luck po!

Comments

comments

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here