Home News Locale News Isyu sa mabagal na passport processing, sinagot sa Kamara ni Foreign Affairs...

Isyu sa mabagal na passport processing, sinagot sa Kamara ni Foreign Affairs Sec. Alan Peter Cayetano

0
0
SHARE

Humarap sa joint hearing ng House Committees on Foreign Affairs at Good Govt si Foreign Affairs Sec Alan Peter Cayetano upang direktang sagutin ang mga isyu hinggil sa mabagal na passport processing na hinihimutok ng marami nating kababayan.

Ayon kay Cayetano, ang pinaka dahilan ng delay ay ang sobra-sobrang demand sa passporting lalo na ngayong sampung taon na ang validity nito, na hindi agad-agad naipoproseso ng DFA.

Upang tugunan ito, nakatuon umano ngayon ang kanilang atensyon sa pagtatanggal ng mga bogus na application at pagpapalawak ng kapasidad ng DFA, mula sa 17 thousand daily capacity ay iaakyat ito sa 31,000 kada araw.

Kabilang nga sa mga hakbang nito ang pagtatayo ng mga dagdag na Regional Consular Offices. Kabilang dito ang mga tanggapan sa San Nicolas, Ilocos Norte, Santiago Isabela, Malolos Bulacan, Laguna, Dasmariñas Cavite, Antipolo, Rizal, Tagum City at Oroqueta City.

Bukod pa rito ang idadagdag na mga Passport on Wheels na kaya ring magproseso ng dagdag na 500 applications per day.

Sa pamamagitan ng mga hakbang na ito, maasahang aniya ng publiko na pagtungtong ng buwan ng Hunyo, magiging madali na para sa publiko ang pagkuha ng passport.

Samantala, nabanggit din sa pagdinig ang hinggil sa isyu ng joint venture agreement sa pagitan ng Apo Production Unit at ng pribadong kumpanyang UGEC na siya namang nangangasiwa sa produksyon ng pasaporte sa bansa.

Kwestyunable ito para kay dating Foreign Affairs Secretary Yasay dahil lumalabas na disadvantageous umano sa gobyerno ang kontrata.

Sagot naman dito ni Cayetano, ipinaubaya na niya sa Office of the Executive Secretary ang desisyon hinggil dito na kasalukuyan ring nagsasagawa ng imbestigasyon sa isyu.

– Radyo Pilipinas

Comments

comments

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here