Home Health Doc Willie Ong - Advise Huwag pauli-ulit na gamitin ang Mantika. Masama ito!

Huwag pauli-ulit na gamitin ang Mantika. Masama ito!

322
0
SHARE

Ni Dr. Willie Ong at Doktor Doktor Lads

Marami sa atin ang guilty sa pag-ulit-ulit na paggamit ng mantika. Kapag nag-pi-prito ng pagkain, itinatago ang sobrang mantika at ginagamit ulit sa pag-prito ng ibang pagkain.

Minsan maitim at maamoy na ang mantika ay sige pa rin ang paggamit.

Related imageKaibigan, masama po sa kalusugan ang paulit-ulit na paggamit ng mantika. Ayon sa pagsusuri, may lason (toxin) na nakikita sa mantika na inulit-ulit. Ang tawag sa toxin ay HNE (4-hydroxy-trans-2-nonenal) at ito ay posibleng magdulot ng kanser, at sakit sa puso, utak at atay.

Tamang Paggamit ng Mantika:
1. Gamitin lang ng 1 o 2 beses ang mantikang pang-prito. Huwag ito ulitin ng maraming beses.
2. Kapag ang mantika ay inulit-ulit, nangingitim ito at nangangamoy luma. Minsan may pagkain pang naiiwan sa mantika. Itapon ang lumang mantika.
3. Konti lang ang mantikang gamitin sa pag-prito para hindi manghinayang itapon ito.
4. Huwag ihalo-halo ang mga tirang mantika. Masama ito at madaling mapanis ang mantika.
5. Itago ang cooking oil sa malamig at malinis na lugar. Nasisira din ito sa katagalan.

Related image

Payo Sa Pagluto:
1. Sa mga misis, mas mainam na magpakulo, magbeyk, maghurno o mag-ihaw na lamang kaysa sa magprito.
2. Para maging healthy, itapon ang mantikang lumabas sa karne habang niluluto ito. Hiwain at tanggalin ang taba sa karne. Mataas ito sa kolesterol at puwedeng magdulot ng atake sa puso.
3. Huwag ibalot sa maraming breadings ang karne o hipon (sa Tempura). Puwedeng maiwan ang mga breadings sa mantika at ito ang maging dahilan ng pagkasira nito.
4. Pagkatapos magprito ng pagkain, patuluin ang mantika bago ilagay sa plato . May dagdag calories ang mantika at nakatataba ito.
5. Kung may sakit sa puso o mataas ang kolesterol, puwedeng gumamit ng tissue paper para idampi sa pritong pagkain at ma-absorb ang sobrang mantika.

Kaibigan, alagaan ang ating katawan. Magluto ng tama at kumain ng masustansya. Umiwas sa peligro ng lumang mantika.

Comments

comments

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here