Home News Locale News HULI AGAD | Limang suspek sa pananaksak sa isang lalaki sa Butuan...

HULI AGAD | Limang suspek sa pananaksak sa isang lalaki sa Butuan City, arestado na

0
0
SHARE

Wala pang isang araw ay nahuli na ng mga tauhan ng Butuan City Police Office (BCPO) Station 1 ang limang lalaking sangkot sa pagpatay sa isang empleyado ng DPWH kahapon.

Kinilala ang biktima na si Jaymart Tapic Roldan, 23 taong gulang at nakatira sa Davao City.

Nasa kustodiya na ng mga otoridad ang limang suspek na sina:

  • Neil Adrian Plaza Sabornido, 23 years old
  • Hudson Rudillas Zoilo, 18;
  • Joviz Adrain Borbon Santos, 23;
  • Mark Genesis Quianbao Asido, 22; at
  • Mark Cala Magallanes, 22.

knifeusedinstabbing

Narekober sa isa sa mga suspek ang balisong na ginamit sa pananaksak

Kuwento ng isa sa mga kaibigan ng biktima, umawat lang siya nang mapaaway ang grupo nila sa isa pang grupo sa loob ng bar.

Napag-alaman namang ang lalaking nanaksak sa biktima ay hindi kabilang sa anumang grupo at basta nakisali na lang sa gulo.

Natunton ang mga suspek sa pamamagitan ng isang video na in-upload ng netizen sa social media.

Source: Facebook, TV5

Comments

comments

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here