Home News Locale News Halos 5,000 trabaho sa Japan, maaaring pasukan ng mga galing sa Kuwait

Halos 5,000 trabaho sa Japan, maaaring pasukan ng mga galing sa Kuwait

1614
0
SHARE

May mga job order ngayon sa Japan na puwedeng apply-an ng mga overseas Filipino worker (OWF) na galing Kuwait at iba pang Pinoy household service worker (HSW) na naghahanap ng alternatibo sa Middle East.

Trabaho sa Japan

#TVPatrol Interesado ka bang magtrabaho sa ibang bansa? Magandang balita dahil halos 5,000 trabaho sa Japan ang puwede nang pasukan ng mga Pinoy.BASAHIN: bit.ly/2pz7mxc

Posted by TV Patrol on Friday, March 23, 2018

Ang maganda pa rito, di hamak na mas mataas umano ang pasahod at nasisiguro ng Philippine Overseas Employment Administration (POEA) na maayos ang mga employer sa Japan.

More Japanese firms eager to recruit foreigners, disabled
Isa sa maaaring magbenepisyo rito ang dating kasambahay at yaya na si Teresita Reyes. Ayaw na kasi niyang bumalik pa ng Middle East, lalo na sa Kuwait.

Pinay na natagpuan sa freezer sa Kuwait, nagtamo ng bugbog, baling tadyang
“Mahihigpit kasi ‘yung mga amo…Mas maganda sa ibang bansa kaysa Middle East,” ani Reyes.

Bukod kay Reyes, inaasahang magiging patok din ito sa mga OFW na kusang bumalik sa Pilipinas sa pamamagitan ng ipinatupad na amnesty program ng Kuwait.

PH urges illegal OFWs in Kuwait to avail of amnesty program
Ayon sa POEA, makikita sa kanilang database na marami pang ibang oportunidad sa labas ng Middle East, isa na nga dito ang Japan.

Mga job opening sa Japan at kaakibat na sahod:

• 500 housekeepers — P76,000 pataas
• 600 farmers — P42,000 pataas
• 300 food manufacturing workers — P40,000 pataas
• 450 construction workers — P45,000 pataas
• 1,250 electrical workers — P38,000 pataas
• 560 welder — P45,000 pataas
• 400 painter — P45,000 pataas
• 110 laundry operators/cleaners — P40,000 pataas
• 600 factory workers — P44,000 pataas

Sa kabuuan, nasa 4,770 trabaho ang bukas sa mga Pinoy na nais magtrabaho sa Japan.

Ang sahod ng mga housekeeper sa Japan, triple pa ng tinatanggap ng mga HSW sa Middle East.

Wala rin umanong placement fee na binabayaran sa Japan.

“Iyong housekeeper halimbawa, tatawagan ka, maglilinis sa isang office or on-call ka. Higher salary niya at malayo ka sa abuses kasi ang Japan ay friendly market,” ani POEA Deputy Administrator Jocelyn Sanchez.

Ang kailangan lamang, hindi lalagpas sa 45 taon ang edad at di bababa sa high school ang natapos.

May basic Nihongo training din dapat pero libre na itong ibinibigay ng mga recruitment agency.

Kailangan din ng mga certificate sa Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) at iba pang mga training na kinuha.

“Kung gusto nila mag-level up, dapat mag-training plus experience at tingin namin madali silang matatanggap,” payo ni Sanchez.

Tingin ng POEA, kaya din ng mga Pinoy HSW na makapasok sa iba pang mga posisyon tulad ng sa laundry services, food manufacturing, at factory.

Pero para mangyari ito, kailangan din ng skills upgrade na maari namang makuha nang libre sa mga training program ng TESDA.

Source: ABS-CBN

Comments

comments

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here