Home Recipe Ginisang Tahong

Ginisang Tahong

0
0
SHARE

Isa sa masarap na lamang dagat ang tahong, bukod sa mayaman ito sa protina at omega 3 madali pa itong lutuin. Pwedeng tinola, ilagay sa oven, inihaw at marami pang iba, pero ang ibabahagi ko ngayon ay paano ito igisa.

Mga Sangkap:

  • 1 kilo tahong ( hugasang maigi at linisin)
  • 3 butil ng bawang (dinikdik)
  • 1 maliit na sibuyas (hiniwa)
  • 1 maliit na bell pepper (kahit anong kulay)
  • mantika panggisa
  • asin ayon sa iyong panlasa

Paraan ng Pagluluto:

  • 1. Isangag ang tahong hanggang sa maluto, kapag luto na ay palamigin ito at alisin ang laman.
  • 2. Igisa ang bawang at sibuyas, kapag medyo brown na ay ilagay ang laman ng tahong at igisa ito sa malakas na apoy sa loob ng dalawang minuto.
  • 3. Timplahan ayon sa iyong panlasa, saka ilagay ang bell pepper pakuluin ng isang minuto at hanguin.
  • 4. Budburan ng dahon ng sibuyas o parsley bago ihain.

Source: //www.ibatibangmgarecipe.com/

Comments

comments

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here