Home Public Info OFW Info First meet-up Long Distance Relationship, Qatar-Philippines

First meet-up Long Distance Relationship, Qatar-Philippines

411
0
SHARE
Loading...

The long wait is over. Patience finally pays off. “LDR feels”

Family mo at Family ko pinagtulungan ako ๐Ÿ˜ญ wala akong kaalam alam kahit ni idea na ikaw na pala yung uuwi na susunduin namin sa airport , expected date ko June 10 pa kasi gusto mo talagang abutan graduation ko,yun yung sabi mo tapos May 22 pala?

Muntik ng matapos yung araw ng May 21 na di mo ko binabati nun,inaantay ko lang na batiin mo ko kasi monthsary natin yun at akala ko nakalimutan mo na kaya naman pala kasi busy ka na nun kakaayos ng gamit mo.Magaling silang magpalusot ng kung ano ano,syempre ikaw lalo.Magkakausap na pala silang lahat para sa planong gagawin nila.

Ang sabi pa sakin ni nanay samahan ko sya sa airport at may susunduin daw na kaibigan nyang galing Canada na matagal na daw di nauuwi at gusto kaming mameet. Tinanong ko kung sino ang sabi si “EVA” ako naman sige agad at babae naman pala.

Di ako nagtataka na baka ikaw yun kasi sabi mo after work magbabasketball kayo sabay tulog na after nun para sakto sa duty for tomorrow tapos nakatawag ka pa sakin ng 1am dito yun pala nasa airport ka na para sa flight pa manila pero sabi mo matutulog ka na๐Ÿ™„nagpaalam pa ko sayo nung gabi na may susunduin kami sa airport kinabukasan sige ka naman agad, hindi na nga ako nakapagpaalam sayo nung umaga na aalis na kami kakamadali namin

Magaling ka din sa time management para di halatang uuwi ka na. Doha to Manila yung time travel sakto lang sa tulog mo. Yung mga taong nakakaalam na uuwi ka sa sobrang excited nila di sila gano nakatulog pero ako ang sarap ng tulog ko ๐Ÿ˜‚ pinag beauty rest nila talaga ko. Before 7am umalis kami para bumyahe pa naia terminal2 nakarating kami ng before 10am ang sabi kasi mga saktong 10am nandun na yun tapos nabago daw naging 11am kaya sabi ko hala tagal pa namin mag aantay.

Dumating ang 11am nangawit na ko kakatayo at kakaantay kay “Eva” ang sabi daw sa text ni “Eva” inaantay na lang yung bagahe dahil ang tagal daw ng processing sa loob.Nagtataka ko bakit hindi kami dun nag aantay sa waiting area ng mga naghihintay din ng galing sa loob kesyo pupuntahan naman daw kami kung san kami nakapwesto blah blah. Sabi ko ano ba yan tara uwi na tayo ,naiinis na ko,naiinip,naiinitan halo halong emosyon na nararamdaman ko pero sila chill lang na parang di nararamdaman yung nararamdaman ko that time na pareparehas lang kaming pagod na mag antay.

Kung ano ano na sinasabi ko na pabebe naman yung kaibigan ni nanay,nangagawit na ko maghintay sasabi sabi na binago oras ng arrival na napa aga ng 9am nandun na e ang tagal pa pala,imbis na natutulog pa ko nun e di ko naman din alam itsura nung eva na yun.Before 12pm naupo na ko sa lapag sa sobrang ngalay na ng paa kakatayo kahit nakadress wala akong pake sa mga taong dumadaan dun kahit muka akong ewan nasa isip ko na lang na sana dumating na yun at ang tagal na namin nag iintay kaya yung muka ko nakasimangot na iritable nakatingin lang sa mga taong lumalabas galing sa loob ng airport tapos yung sarili kong kapatid di ko alam na nag vivideo na pala tawag pa ng tawag sakin kasi dun ako nakatingin sa mga lumalabas na bagong uwi din at di malaman kung ano ba talaga sasabihin sakin para lang mabaling yung tingin ko sa kanya e naiinis na nga ako sa inip sakto naman pag tayo ko pagbaba ng mga bag namin may nagtutulak nung push cart trolley sa gilid ko sinabi sakin

“Oh bakit ka nakasimangot? Tagal ba?” . Paglingon ko ng nakasimangot ng makita kita biglang nagshift yung mood ko ng tawa ๐Ÿ˜‚ then naiyak na lang ako kasi di ko talaga alam gagawin kasi nasa feeling pa ko ng gulat na totoo ba lahat yun sya ba talaga ? tapos sabi mo pa ” oh bakit ka umiiyak umalis na ba? Kakauwi ko pa lang ah”๐Ÿ˜‚.

Parang dati ineexpect ko pa na pano kaya kung nagkita na kami pano gagawin ko tapos may mga napapanuod ako then nirerelate ko sarili ko na ganun din kaya kami?

Pero hindi e ang epic nung samin ๐Ÿ˜‚ kung yung sa iba may patakbo takbo sabay yakap,yung feeling na nagsslowmo sila pero samin comedy e di nila ko pinagready muka tuloy ako kawawa dun na nakaupo ๐Ÿ˜†kapag nandun ka na pala talaga di mo na alam gagawin mo lalo na kung nasurprise ka.haha Maraming salamat po sa family ko at sa Talento family saka sa mga relatives nyo po,we’re so blessed na tanggap at suportado nyo po kami sa lahat ng bagay at syempre sa mga kaibigan din namin โ˜บ.

Nagulat ako na madami din pa lang nag aabang sa pagkikita namin feeling ko tuloy nasa teleserye kaming dalawa na tinalo pa namin aldub ๐Ÿ˜‚ simula pag dating namin sa airport vinivideohan na pala ko na akala ko picture lang ng picture kapatid ko kasi natural na samin yung ganun, kulang yung mga videos na ultimo pagbaba ng hagdan may video pa kaya lang di na kayang iupload masyado na kasing madami so ayun lang sorry medyo mahaba thank you sa pagbabasa โ˜บ

NOTE: This Video is Not own by this page.
Gusto lang namin ipakita na kahit magkalayo ang dalawang nagmamahalan pwede paring magkatuluyan. sabi nga nila walang imposible basta tunay ang pag ibig na nararamdaman.
CCTO to Kamil Gerome
You tube link: //www.youtube.com/watch?v=QZfeb83offM

Comments

comments

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here