Home Showbiz Entertainment Ellen Adarna is pregnant, John Lloyd Cruz is the father.

Ellen Adarna is pregnant, John Lloyd Cruz is the father.

173
0
SHARE

Buntis ang sexy star na si Ellen Adarna, at ang matinee idol na si John Lloyd Cruz ang ama ng kanyang dinadala.

Si Ellen mismo ang nagkumpirma nito sa ilang malalapit na kaibigan.

Sa dalawang okasyon ay naringgan ang 29-anyos na Kapamilya talent na nagsabing buntis siya.

Ayon pa rin daw kay Ellen, maselan ang kanyang pagbubuntis.

Ayon naman sa impormasyong natanggap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), ito raw ang dahilan kung bakit hindi na pinahaba pa nina John Lloyd at Ellen ang bakasyon nila sa Europa.

Ito rin daw ang dahilan kung bakit, bagamat inaabangan si Ellen ng publiko, hindi ito nakasama sa mga artistang rumampa sa Under The Stars, ang Bench denim and underwear fashion show na ginanap sa MoA Arena ngayong Sabado ng gabi, Nobyembre 18.

Determinado naman daw sina Ellen at John Lloyd na alagaan ang pagbubuntis ng sexy star.

Ngayong 2017 nagsimulang pumutok ang nababalitang relasyon ni Ellen sa 34-anyos na Kapamilya actor.

Ilang larawan nilang dalawa na kuha sa iba’t ibang lugar ang kumalat sa social media.

Lalong umigting ang paniniwalang may namamagitan sa dalawa nang lumabas ang mga larawan at video na kuha sa kanilang bakasyon sa Bantayan Island, sa Cebu, noong Setyembre

Source: Pep.ph

Comments

comments

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here